Photo credits: Wella Bololoy Sia | Facebook |
Isang concerned mom ang nagbigay ng paalala at babala sa kapwa niya magulang matapos pumanaw ang kanyang anak dahil sa sakit na Type 1 Diabetes nitong May 16, 2022.
Sa kanyang viral post na umabot na sa mahigit 100,000+ shares, ikinuwento ni mommy Wella Baloloy Sia ang nangyari bago mawala ang anak niyang si Pia.
Narito ang buong post:
Most of you already know that yersterday, May 16, 2022, we lost our baby girl, Nathalie Sophia B. Sia. Ang daming messages na nareceive ko asking Why, what happend because it's so sudden.
Last May 11 when we got home from work, napansin namin na si Pia is matamlay.. But prior to that day mejo nagstart n syang pumayat, pero ang inisip namin is picky eater kasi ever since si Pia so hindi tlga sya ganon kalakas kumain at maselan sya kumain pero masigla sya, makulit, bibo kaya ang thinking nmin is need lang tlga mag focus na pakainin sya ng maayos. Being a worried parents, the next day May 12, her Daddy decided na ipa check up na sya agad sa PACIFIC GLOBAL MEDICAL CENTER but ang reseta lang ng Pedia na tumingin sakanya is
3. Gamot for deworming kasi pwede daw na kaya pumapayat si Pia is my bulate sya.
Pinauwi sila, but lumipas nanaman ang magdamag at mahina pa din si Pia. Halos ayaw umalis sa bed, ayaw kumain na tlga puro inom lang ng gatas, water at juice.. uhaw na uhaw sya lagi. So na alarm na ako tlga kaya the next day agad agad, MAY 14 We decided na ipa Emergency room na sa PACIFIC GLOBAL MEDICAL CENTER padin para ma conduct ng ibat ibang tests, malaman if ano bng prolema tlga sknya kasi hindi ako confident sa first diagnosis saknya..
From 4 pm to 11 pm nasa ER kmi, snbi ko lahat ng nangyari, history ng family nmin sa diabetes but after conducting yung blood and urine test nya sabi lang nila na wala nmn daw sakit si Pia, normal lang nmn.. I even showed them yung breathing ni Pia, sabi ko Tingnan nyo po normal po ba yan parang ang lalim nya huminga. Ang ginawa lang is binilang ung breathing nya nung nurse and then sinabi nya sa Doctor and they say na Mommy normal lang yang breathing nya for her age. Hindi ako mapalagay sinabi ko pa sa Doctor na, hindi nyo po ba man lang sasaksakan sya ng dextrose or anything mkahelp na bumalik energy nya. Wala din. Pinawi nila kami that night, 11 pm.. walang resetang gamot.. nag agree lang sila sa first reseta ng Pedia Doctor na tumingin sknya nung May 13 which is again, ASCORBIC ACID, MULTIVITAMINS and Gamot for DEWORMING and advice lang din na damihan ang fluid intake. Take note, nung dinala nmin si Pia dun kaya nga pa maglakad at nakakapag salita p sya kahit nanaghihina.
11 pm, May 14 pinauwi nila kami.. madaling araw ng May 15, hindi na makatulog si Pia, ganun pa din yung breathing.. kinabukas feeling namin mas naging worst yung condition nya so sinugod nanaman ulit namin sya sa hospital but this time hindi na sa PACIFIC GLOBAL MEDICAL CENTER but sa PHILIPPINE CHILDREN MEDICAL CENTER, at pag dating namin sa ER ang bilis nila agad na diagnose yung sakit ng anak ko.. I've given the same information sa both hospital kaya hindi ko maintindihan bakit hindi nadiagnose ng tama yung sakit ng anak ko sa naunang hospital. Nung dinala nmin si Pia sa Children's Medical Center.. as in lupaypay na sya, hindi n makapasalita, hindi n kaya bumangon.. and sabi samin Critical stage n sya kasi yung sugar sa katawan nya is hindi na ma contain.
Lahat ng procedure na iadvice samin, snsbi nmin gawin nila kung ano yung best maging okay lang si Pia but hindi na tlga kinaya ng anak ko. May 16, 2022 kinuha na sya samin.
Durog ang puso ko hanggang ngayon at hindi ko alam kung hanggang kelan pero patuloy kong hina hanap ang Purpose ni Lord kung bakit nangyari to samin. And isang bagay na ipina ngusap sakin ni Lord is to share our experience to save many kids and spread awareness when it comes sa Type 1 diabetes.
Most of us, Mommy's and parents hindi naman talaga tayo knowledgeable sa disease na to, yung iba pa nga satin hindi aware na pwedeng magka diabetes khit super bata pa. YES, pwedeng pwede po magka diabetes khit bata pa especially kung nasa Genes ang sakit na diabetes.
Symptoms na posibleng ma over look kasi akala natin normal lang sa bata.
1. Biglang sobrang daming uminom ng tubig, gatas, or any fluid.. parang laging uhaw na uhaw.
2. Sobrang lakas umihi to the point na nag leleak n ung ihi nya sa diaper or kapag potty trained nmn yung bata, hindi nya mapigilang umihi sa bed tuwing gabi.
3. Sudden weight loss
4. Walang gana kumain, gusto inom lang ng inom
5. Matamlay at nanghihina, gusto lagi lang nkahiga
6. Hirap huminga
Please mga Mommy's and Parents don't ignore these symptoms dahil diabetes can really take our children from us.
Narito naman ang mensahe niya para sa kanyang anak:
"Anak, My Pia I hope by posting this I helped you served your purpose. Hindi ka lang mukhang Angel, tlgang anghel ka na ginamit ni Lord para maka save ng maraming bata pa and sobrang proud si Mommy sayo! Habang buhay magiging proud kami sayo anak at habang buhay ka naming mamahalin at hinding hindi kakalimutan."
Nagpasalamat din siya sa Panginoon bagama't mahirap at napakabigat na pagsubok ang kanilang pinagdadaanan dahil sa pagkawala ni Pia.
"Thank you Lord, kahit sa maiksing sandali.. pinagkatiwala mo samin si Pia.. npka gandang anghel mo. Binigyan nya kami ng sobrang saya buhay habang nndto sya, ayaw man namin ibalik pa sya jan sa taas pero need mo na tlga ata ng extra manpower jan. Ang blessed naman ng anak ko, na hire sya at pinili sya ng pinaka mataas sa lahat. Nakakaproud!
Hindi mawawala ang sakit but whatever it is Lord, Your will be done."
Source: 1