Ina, dismayado sa sinapit ng anak dahil sa labis na paggamit ng cellphone: 'I really felt guilty as a mom' - The Daily Sentry


Ina, dismayado sa sinapit ng anak dahil sa labis na paggamit ng cellphone: 'I really felt guilty as a mom'



 

Larawan mula sa Facebook
Viral sa social media ang post ng isang ina kung saan ay maagang lumabo ang mata ng kanyang anak dahil sa hindi pag-kontrol nitong gumamit ng gadgets tulad ng cellphone, laptop at piso-net. 

Kwento ni Mama Disay -Chery, isang araw na hinatid nito ang kanyang anak sa school nang bigla na lamang sumakit ang mata ng bata kaya naman ipinatingin niya ito sa optometrist at sinabing kailangan ng magsuot ng eyeglasses ang bata dahil mataas na daw ang grado ng kanyang mga mata.

Lubos ang pagsisisi ni Mama Chery dahil hindi nito nagabayan ng maayos ang kanyang anak sa paggamit ng gadgets.

Basahin sa buong post ni Mama Disay -Chery sa ibaba:

"today..i really felt guilty as a mom..felt like im a bad mom at all. 
Larawan mula sa Facebook
"when kuya Skye, Summer and I arrived at school he was crying and said his eyes hurts. im half scolding half trying to understand him.. it's the second time ( on my knowledge that he cried at school because he's not feeling well) ..so i got irritated and was telling him that he could've told us when we were at home still so he could've stayed home instead, when a mom passed by and asked what happened and then told me that maybe he's not really feeling well..

"so i approached his teacher and that's when i learned that he also cried last friday because of his eyes but when teacher asked him if he wants me to be called, he said no..

"so i really really felt bad and was feeling guilty.. got mad but not to him but to myself.. friday pa pala siya may nafe feel and i didn't had any idea.. i still have the guts para mag laag2 last saturday.
Larawan mula sa Facebook
"then we went to an optometrist and she told us that he needs an eyeglasses already.. +75 na daw kase grado ng mata niya..so young for that.. buti sana kung inborn kay understandable..pero it was damged due to constant usage of gadget..that's where it hits me the most..naulaw ko and at the same time na guilty, naglagot, na sad and all emotions na. .

"this won't have happened if i know how to control him. i honestly dont know how to discipline him anymore..he is so stabborn and is so addcted to online games..partly because we have piso-net, we have laptop, and unlimited internet access but mostly because during those times im asleep, busy working or with household chores, he can play all he wants without anyone to limit his screen time.

"now, we learned our lesson the hard way..he'll be wearing his glasses para di magtaas grado niya and if we're lucky baka bumaba pa if we both will religiously follow limited to no screen time..

"ps. sakit din po siya sa bulsa..

PAYO NI DOK

Batay sa pagsusuri ng Pediatrician at Health Communications Expert na si Dr. Katrina Florcruz, MD, DPPS, ang LABIS na panonood ng TV at paggamit ng gadgets tulad ng computer, tablet, at cellphone ay tunay na hindi maganda sa mga MATA ng bata.
Larawan mula sa Facebook
Ayon kay Dok, posible itong magdulot ng mga sumusunod:

1. PAGKAPAGOD NG MATA

Napapagod ang mga muscles ng mata kapag matagal nakatitig sa screen ng gadgets. Maaari din ito magdulot ng hedache.

2. PANLALABO NG MATA

Kapag matagal naka-focus ang mga mata sa gadgets, pwedeng humantong sa paglabo ng mga mata o kaya ay near-sightedness.

3. DRY EYES

Ang mga bata na gumagamit ng gadgets ay mas madalang kumurap kung kaya’t natutuyo ang kanilang mga mata. Ilan sa symptomas ng “Dry Eyes” ay madalas na pagkurap (tuwing hindi gumagamit ng gadgets), pamumula ng mata, at pagkasilaw sa liwanag.

Bukod din sa matinding ‘exposure’ sa cellphone at TV, malubha din ang negatibong epekto sa mga mata ang kawalan ng outdoor activities.

Tinatayang nasa may 5 Bilyong katao ang may ‘myopic’ o ‘short – sighted’ pagdating ng taong 2050, samantalang nasa 1 Bilyon naman ang posibleng mabulag dahil sa labis na pagkakalantad sa TV at cellphone.

Paliwanag ng Director of South East Asia and Eastern Mediterranean Region Institute na si Sumrana Yasmin, dumadami na ang bilang ng mga kabataan na hindi na lumalabas ng bahay upang maglaro o mag – ehersisyo sa halip ay maghapon at magdamag na lamang nakatutok sa TV at gadgets.

Dahilan nito ang maagang pagka – labo ng kanilang mga mata na lalong lumalala sa paglipas ng taon.

Kaya’t simpleng payo ng mga esksperto, himukin ang mga kabataan na limitahan ang paggamit ng mga gadgets para hindi maapektuhan ang tinatawag na ‘long – distance vision.’

Mas mainam din na ugaliing magpa – konsulta sa mga espesyalista sa mata isang beses kada taon upang maibsan ang banta ng ‘short – sightedness’ at pagkawala ng paningin lalo na sa mga kabataan.

****

Source: Facebook