Photo by GMA News |
Mainit na usapin pa din ang politika sa Pilipinas dalawang araw matapos ang eleksyon. Punong puno pa din ng opinyon ng napakarami ang mapapanood sa telebisyon at mababasa sa social media. Ang iba'y pagsuporta at ang iba naman ay reklamo dahil sa hindi nila matanggap ang resulta ng halalan.
Matatandaan na nitong nagdaang eleksyon, marami sa mga artista ang nagbigay at nagpakita ng kanilang suporta sa kanilang mga presidential candidate. Kaya naman may patutsada ang kilalang talkshow host at entertainment news writer na si Lolit Solis sa mga artista na ayon sa kanya ay 'ubod ng yabang' nitong nagdaang kampanyahan.
"Gusto kong makita ngayon ang mga stars na ubod ng yabang sumuporta sa kanilang mga kandidato Salve. Gusto ko na makita paano nila tatanggapin na wala pala silang naitulong para manalo ang ini endorse nila."
"Para bang isa pa sila sa naging minus factor dahil nga ikina inis ng tao ang yabang ng dating nila."
Ito naman ang payo ni Lolit:
"Maging aral sana ito sa mga artista na bigyan ng dividing line ang role nila as showbiz at pagsali sa pulitika. Puwede na pinapanuod kayo sa rally, sinusundan ng mga tao, pero hindi nakikinig sa mga sinasabi ninyo. Saka huwag masyadong righteous ang dating, masakit sa tainga, kainis. So ngayon dapat hinay hinay lang. Puwede suporta, pero huwag OA."
Source: 1