39-anyos na lalaki sa Pangasinan, ooperahan matapos malunok ang pustiso nang lasing. - The Daily Sentry


39-anyos na lalaki sa Pangasinan, ooperahan matapos malunok ang pustiso nang lasing.



Sa San Jacinto Pangasinan, isang lalake ang napagusapan matapos itong dalhin sa ospital dahil aksidenteng nitong nalunok ang kanyang pustiso.

Nagising na lang umano ang biktima na kinilalang si Benjie Villamor na umiinda ng sakit sa kanyang lalamunan. Laking pagtataka at kaba naman ang naramdaman ng mga nakabalita, dahil raw sa bibihirang pangyayari na ito.




Ayon sa kwento ni Benjie, lasing siya ng mangyari ang insidente. Pagkauwi nito ay natulog siya at nakalimutan nang tanggalin ang kanyang pustiso.

Tinangka pa raw itong sungkitin ngunit hindi na kinaya.

Bahagya naman ng nawala ang kirot kapag lumulunok at hindi na raw gaanong masakit ang lalamunan nito sa paghihinalang bumaba na ang puwesto ng pustiso sa loob ng kaniyang katawan.

Russel Simorio GMA | Facebook

Russel Simorio GMA | Facebook


Batay sa panayam kay Dr. Rheuel Bobis, Spokesperson, CHD-Ilocos, delikado na malunok ang isang pustiso at mapunta ito sa bituka.

"Kapag nakalunok kasi ng pustiso mayroon dalawang puwede (itong) puntahan (sa katawan). Unang-una puwede (itong) dumiretso sa tiyan. So kapag dumiretso sa tiyan, medyo delikado kasi alam naman na ang pustiso ay may matutulis na parte. So maaaring masugat o maaari niyang mabutas ang digestive tract," paliwanag ni Dr. Bobis.

Russel Simorio GMA | Facebook

Russel Simorio GMA | Facebook


Nakatakdang operahan ang 39-anyos na construction worker sa isang pagamutan sa Dagupan City upang alisin ang nulunok nitong pustiso.

Dahil sa ume-extra lang sa pagco-construction, problema din ngayon ni Benjie ang gastusin sa operasyon at mga gamot na kakailanganin nito hanggang sa kanyang pagpapagaling.

Paalala ng mga doktor ay ugaliin at siguraduhin na tanggalin ang pustiso bago matulog upang maiwasan ang aksidenteng pagkakalunok dito.

Russel Simorio GMA | Facebook

Benjie Villamor | Facebook