66-anyos na Lolo, inspirasyon ang pagtatapos ng kolehiyo: Age doesn't matter, it's just a number - The Daily Sentry


66-anyos na Lolo, inspirasyon ang pagtatapos ng kolehiyo: Age doesn't matter, it's just a number




Walang makakahadlang ni anumang klaseng sitwasyon sa taong pinapahalagahan ang Edukasyon. Kahit pa man ang kahirapan sa suportang pang-pinansyal at kahit maging ang katandaan sa edad ay hindi kailanman naging balakid sa taong matayog ang pangarap at determinadong makapagtapos, natigil at natagalan man ang mahalaga ay hindi sumuko bagkus ay nagpursige.


Ito ang pinatunayan ng isang senior citizen na si Davy Matugol na matagumpay na nakapagtapos sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Arts in Political Science sa Mindanao State University-General Santos.



Naghatid ito ng inspirasyon hindi lang sa mga kabataang mag-aaral kundi maging sa mga katulad ni Tatay Davy na kahit sa kanyang katandaan ay hindi iniwan ang matagal niya nang pangarap para sa sarili at ngayo'y tuluyan nang naangkin ang inaasam-asam na diploma bunga ng kanyang pagsisikap. 



Aminado ang matanda na hindi naging madali para sa kanya ang mga napagdaanang paghihirap, ngunit isa lang ang sigurado para sa kanya ang hindi pagsuko sa anumang hamon at pagsubok sa buhay dahil aniya mas matibay at mas malaki ang pundasyon ng pagtitiwala niya sa kanyang sarili na kaya niyang abutin ang dati'y pangarap niya lang.


"I am 66 yrs old, but as they say, age doesn't matter especially if you have a great vision in life," saad niya sa kanyang post na umabot na ng halos 30K shares.


Malaking hamon din para kay Tatay Davy ang pagamit ng makabagong teknolohiya tulad ng cellphone para sa kanilang online classes. 





"Practice ako mag cp para sa online class para marunong na ako," 


Marami sa mga netizens na nakakabasa sa kanyang kwento ang natuwa at nainspire at nakiisa sa matamis na panalo ni Tatay Davy, na siya namang isa sa mga hinahangad niya ang makapagbigay inspirasyon sa lahat ng mga mag-aaral pagdating sa kahalagahan ng Edukasyon. 


"Finishing a degree at this age, I hope I am able to encourage and inspire everyone to finish their studies despite their age," 




"If I can do it, all the more to young people like you reading this," dagdag niya ka kanyang naturang post.


Hindi lamang tunay na inspirasyon ang kanyang naibigay sa mga katulad niyang mag-aaral na salat sa buhay, pinatunayan niya sa lahat na "poverty is not a hindrance to success, and age is just a number if your vision is so much bigger,"  


Bago pa man niya naabot ang bunga ng kanyang pagpupursige, isinantabi niya ang hiya at humingi ng tulong sa may mga mabubuting puso na maaring makapagbigay ng kahit maliit na halaga para sa mga  kakailanganing bayaring pinansyal bilang paghahanda sa kanyang pagtatapos. 



"Hi! My name is Davy B. Matugol ,65 years of age,a 4th year AB POLITICAL SCIENCE student of Mindanao state  University-General Santos City.


I am asking to join me ,and help me to win this fight. Any amount is greatly appreciated and God bless you a Hundredfold of Blessing.


SALAMAT," 


Hindi naman siya binigo ng mga taong handang tumulong para sa hinihingi nitong suporta at taos pusong nagpapasalamat sa nakalikom na halagaa.  


"Salamat po sa nag send ng cash thru gcash and remittance center.no words can express po .Yan po lahat ang natanggap nmin po .Ako po ang pamangkin ni tatay. Maraming salamat po talaga sa tulong nyo po malaking tulong na po ito God Bless you a hundredfolds of blessing," 


***

Source: Davy Matugol

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!