Video ng lalaking namatayan ng mag-ina bago ang kanyang graduation day, viral - The Daily Sentry


Video ng lalaking namatayan ng mag-ina bago ang kanyang graduation day, viral



Napakasakit mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung kasabay nito ang isang okasyon o kaganapan na dapat ay ipagdiwang.
Photo credit to the owner

Sa bawat pangarap na ating makakamit, gusto nating kasama ang ating mga mahal sa buhay dahil walang kasing tamis ang bawat tagumpay kapag nasa tabi natin sila.

Ngunit may mga sitwasyon na hindi natin inaasahan at inaakalang mangyayari.

Katulad na lamang ng isang lalaking namatayan ng mag-ina bago ang kanyang graduation day.

Sa TikTok, agaw-pansin ang nakakadurog pusong kwento ng lalaking namatayan ng kanyang mag-ina.

Ayon sa KAMI, hindi man lang daw nila naiburol ang mga ito at agad na ipina-cremate.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ibinahagi ng netizen na may username na @nhoj_allidap ang video kung saan marami ang naluha dahil sa unang kuha ay makikitang masaya ang magkasintahan na nagkaroon pa ng munting gender reveal para sa kanilang paparating na baby.

Kitang kita ang saya at excitement ng magkasintahan.

Subalit sa mga susunod na bahagi ng video ay makikitang wala na ang babae at hawak na lamang ng lalaki ang urn ng kanyang nobya at anak.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Sa comment section, marami ang nagtanong kung ano nga ba ang nagyari sa mag-ina. Sinagot naman ito ng nagbahagi ng video na talaga namang ikinalungkot ng mga netizens.

Sinabing acute pancreatitis ang ikinamatay ng ina at nadamay na rin ang sanggol sa kanyang sinapupunan.
Photo credit to the owner

Nakakalungkot dahil hindi na inabot pa ng mag-ina ang pagtatapos ng lalaki na isa umano sa kanilang pinapangarap. Maging ang mga netizens ay aminadong nakaramdam ng lungkot at pakikiramay sa lalaki. 

Narito ang kabuuan ng video: 


***
Source: KAMI