Biniling balut ng isang OFW, viral online matapos masiglang sisiw na pagdating sa Kuwait - The Daily Sentry


Biniling balut ng isang OFW, viral online matapos masiglang sisiw na pagdating sa Kuwait




Kinatutuwaan ngayon ng mga netizens ang isang viral post online tungkol sa isang kababayang Pinoy na si Gio Moiranda, kasalukuyang nagtatrabaho abroad. Gusto lang naman sana niyang mapunan ang kanyang carvings makatikim ulit ng 'Balut' ngunit nang makarating na sa kanya ay napisa na ang itlog at isang kyut na sisiw ang bumungad sa kanya. 


Isa ang balut sa mga 'must try' Pinoy delicacies, paborito ng halos karamihan ng mga Pinoy kaya naman hanap-hanap ito lalo na ng mga kababayang nasa abroad. 



Katulad ni Gio na mahigit tatlong taon ng OFW sa Kuwait, matagal-tagal naring panahon na hindi nakakain ulit ng kanyang paboritong balut dahil wala rin umano nito doon. 


Kaya minabuti niyang magpasabay ng pagpapabili ng balut mula sa kasamahang Pinoy na umuwi ng Pinas. 



"Nagpasuyo ako sa kanya, sabi ko yung fresh na balot. Hindi pa nilaga para hindi mag-iba yung lasa," ani Gio.


Imbes matakam sa inasam-asam na balut, nagtataka sila kung anong ingay ang kanilang naririnig mula sa karton at laking gulat nila ng buksan na nila ito, doon na nila nakita ang isang masiglang bagong pisa na bibe. 


"Nagulat po talaga ako kasi hindi ko akalain na fresh sisiw yung darating sa akin kasi nag crave po talaga ako kumain ng balut," 


"Curious ako kung ano yung parang maingay sa loob, then pagkabukas ko, yung sisiw na."





Inalagaan na lamang ni Gio ang sisiw na pinangalanan din niya na si 'Balut'. Hindi rin niya inaasahang papalo ng milyun-milyong views ang video nito na inupload niya sa TikTok. 


Malaking tulong rin daw para sa kanya ang bagong alaga dahil nababawasan nito ang stress niya sa trabaho. Ginawan rin niya ng YouTube channel ang alaga para sa mga netizens na gustong sumubaybay kay Balut. 





"Namiss ko rin mag-alaga ng pet, kasi pampawala ng stress, pampabawas kumbaga,"


"Bibong-bibo po. Bale 13-days old na siya ngayon. Malambing naman po siya and ssobrang kulit at likot. Gusto laging nasa baba, nagtatakbo. Kung saan ako pupunta sunod ng sunod, pag nawala ka iiyak," 


***

Source:  GMA News

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!