Isang ina, nagbabala matapos ang nangyari sa kanyang anak sa escalator ng mall - The Daily Sentry


Isang ina, nagbabala matapos ang nangyari sa kanyang anak sa escalator ng mall




Labis ang naging pangamba ng isang ina matapos personal na maranasan ang eksena na ayon sa kanya ay sa social media niya lamang nakikita.

Isang Biyernes ng nagdaang buwan, ibinahagi ni Paula Bandola-Mohamed ang nangyari sa kanyang anak sa escalator ng isang mall bilang babala umano para sa mga magulang na madalas may kasamang anak.


Kwento ni Paula, mabilis ang naging mga pangyayari dahil wala pang ilang minuto siyang nalingat sa paa ng anak niyang si Amirah ay hindi niya inasahan ang nangyari matapos nitong ma-curious sa brush ng escalator.



"Wala pang ilang segundo akong nakalingat sa paa nya. Ito na ang nagyari. Nacurious siguro (siya) kasi may brush ung escalator sa SM North. Sanay sya sa Ever Gotesco na walang brush. Kita agad 'yung gilid," pahayag niya.



sample photo

Ayon sa kanya, buti na lamang daw ay nakita niya agad ang paa ng anak niya na sa may kalagitnaan pa lamang dahil kung umabot raw ito sa dulo ay maaring naputol na ang paa ng bata.

Photo by Paula Mohamed

Narito ang buong post:

"Akala ko sa Facebook posts ko lang makikita 'yung ganitong eksena.

Nangyari na nga kay Amirah. Wala pang ilang segundo akong nakalingat sa paa nya. Ito na ang nagyari. Na-curious siguro kasi may brush ung ESCALATOR sa SM North sanay siya sa Ever Gotesco walang brush eh, kita agad 'yung gilid.

Di ko ma-imagine pano kapag malapit na sa end 'yung pagkakaipit nya.. My God putol na sana paa niya. Buti nalang sa may kalagitnaan pa. (May) Mga namuong dugo sa daliri at pamamaga ng bahagya lang ang natamo nya. Di ko na maimagine paano kung mas malala pa.



Mas magiging aware na ako sa escalator kapag may kasama akong bata more than ever.

Please share. Para aware din ung ibang mommies. Nakakabaliw 'yung experience. Lalo na para sa bata."



Source: 1