Lalaking sumipå sa isang aso, pinag-kakagat ang sasakyan nito - The Daily Sentry


Lalaking sumipå sa isang aso, pinag-kakagat ang sasakyan nito



Ang mga aso ay tinaguriang ‘man’s best friend’ dahil sa kanilang pagiging matapat at mapagmahal sa kanilang amo. 
Photo credit to the owner

Kung papakitaan mo sila ng kabutihan at pagmamahal ay doble o triple pa ang kanilang ibabalik sa iyo. Kaya naman napakaraming tao ang patuloy na nag-aalaga ng mga aso at itinuturing na nila itong parte ng kanilang pamilya.

Subalit mayroon paring mga tao ang sadyang malupit sa mga hayop at mapagsamantala. Katulad na lamang ng isang kwentong aming ibabahagi sa inyo.

Mula sa Chongqing, China, dumating ang isang lalaki sa kanyang bahay at magpapark na sana ng kanyang kotse ngunit nakahiga doon ang isang aso.
Photo credit to the owner

Upang mapaalis ang aso ay sinîpa umano ito ng lalaki. Agad namang umalis ang kawawang aso ngunit ang nakakagulat ay bumalik ito at mayroon ng mga kasama.

Tila nagtawag ng resbak ang aso at ginantihan ang lalaking sumipa sa kanya sa pamamagitan ng pagkagat at pagsira sa sasakyan nito.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Makikita sa mga larawan na bakas ang mga kagat at ngatngat ng mga aso sa sasakyan. Isang kapitbahay umano ng lalaki ang nakasaksi sa mga pangyayari.

Ayon naman sa article ng ‘Viral Issue’, ang mga aso umano sa China na nasa kalsada ay madalas dinadala sa mga d0g fights. Kaya naman hindi nakakapagtaka na sanay sila sa mga ganitong uri ng gawain.

Tila ikinatuwa naman ng mga netizens ang ginawang pagganti ng aso sa taong nanakit sa kanya.





***
Source: Viral Issue