Lolit Solis, kinuwestiyon ang kontribusyon nina Philip Salvador at James Yap sa mga anak ngayong may pinagdaraanan sa kalusugan si Kris Aquino. - The Daily Sentry


Lolit Solis, kinuwestiyon ang kontribusyon nina Philip Salvador at James Yap sa mga anak ngayong may pinagdaraanan sa kalusugan si Kris Aquino.



Hindi raw mapipigilan na biglang lumalabas ang katanungang 'ano ba ang ginagawa ni Philip Salvador sa anak nila ni Kris Aquino na si Joshua lalo ngayong nasa seryosong kalagayan ang tinaguriang 'Queen of all Media'.

Nagdiwang si Joshua ng ika-27 kaarawan nito noong June 5 at 'di rin maiwasan tanungin ng ilan kung binati man lang ba ito ng kanyang ama?




Balitang nasa Amerika ngayon ang 27-anyos kasama ang inang si Kris at kapatid na se Bimby (15 years old).

Hindi rin naman nakaligtas sa beteranang kolumnista ang ama ni Bimby na si James Yap na parang wala raw ginagawang contribution sa 15-anyos na anak.

Kaya naman bilib na bilib ito kay Kris dahil kinakaya aniya nito ang lahat ng responsibilidad bilang magulang nang mag-isa.

Kris Aquino | Facebook

Kris Aquino | Facebook


Sinabi rin ni manay Lolit na sa loob ng mahabang panahon ay naging independent si Kris sa pagiging ina ng mga bata. Kaya malaki ang posibilidad na wala sa isip o hindi prayoridad ni Kris ang mga ama ng 2 bata kung sakaling kailangan niyang iwanan ang mga ito.

Kahit pa raw nahihirapan na si Kris sa kanyang kalagayan ay tahimik lang ito at inuuna pa rin palagi ang pagiisip ng kapakanan ni Bimby at Josh.

Kris Aquino | Facebook

Kris Aquino | Facebook


Narito ang ibinahaging pahayag ni Lolit Solis sa kanyang Instagram account:

"Lumitaw na naman ang pangalan ni Philip Salvador dahil sa 27 birthday ni Joshua, anak ni Kris Aquino, Salve. Siyempre pa, iniisip ng lahat na for 27 years ano kaya ang naging contribution ni Phillip sa paglaki ni Joshua na may mga special needs pa naman. Ngayon na nasa seryosong lagay ang health ni Kris Aquino,

Philip Salvador and James Yap | Facebook

Kris Aquino and Lolit Solis | Facebook


na foremost sa isipan niya ang welfare ni Joshua na isang special person, bigla lumabas ang 'ano ba ang ginagawa ni Phillip Salvador ?". Siguro nga wala ito sa priority ng mga taong nasa isip ni Kris na puwedeng pag iwanan sa anak kung sakali. For years talagang independent sa pagiging mother ng mga anak niya di Kris Aquino. Kahit pa nga si James Yap mukhang walang ginagawa contribution sa paglaki ni Bimby. Kaya nga kahanga hanga na kinakaya lahat ni Kris ang responsibilidad. Kaya hindi kataka taka na ito ang ikinakatakot niya, maiwan ang mga anak niya. Kung alam lang ng lahat how quietly suffering si Kris Aquino sa kanyang sakit, at sa isip kung ano ang magiging kapalaran ng mga anak niya, mauunawaan natin ang kalagayan niya. Idalangin natin na maging maayos lahat sa buhay ni Kris, pray for her. Fighting Kris (smiley) #classiclolita #takeittakeitmeganon"

akosilolitsolis | Instagram




Source: ptama.net