Marami ang nalungkot at naiyak sa kwento ng isang batang paslit dahil kahit pa sa kanyang napaka murang isipan at edad ay halos pasan niya na ang problema ng daigdig. Ang imbes na sana'y napakasayang bata sa paglalaro at maranasan ang sarap ng buhay bilang isang bata ay hindi niya ito nagagawa at nararanasan dahil may mas malaking responsibilidad siyang inuuna.
Tampok ang mabigat at malungkot na buhay ng batang si Jenny sa video post ni Virgelyn ng Virgelyncares 2.0 kung saan balik sa pag-aalaga ang bata sa kanyang Ina na si Jewel na hindi na makatayo at makalakad dahil sa iniindang malubhang sakit.
"Si Jenny po nag-aalaga sa akin. Noong una po na [nagkaganito ako] tapos nakalakad, hanggang sa nagkaganito na naman po ako,"
"Nag-aabsent siya ilang araw na para mag-aalaga sa akin kasi nagtatrabaho ang Papa niya,"
Paextra-extra lang ng trabaho ang Tatay ni Jenny sa pangingisda at kung swerteng may huli, ito narin mismo ang ibenibenta ni Jewel noon na kahit kakapanganak pa lang kumakayod na kaagad dahilan umano ng kanyang kondisyon ngayon.
Pasan lahat ni Jenny ang lahat ng gawain ng bahay sa pagsasaing, pag-aalaga at pagpapakain ng kanyang mga kapatid at ng kanyang Ina na nakaratay nalang at may suot na aparato upang makaihi.
Makikita rin sa video na inaupload sa YouTube channel ni Virgelyn kung saan ang bata parin ang mano-manong nagtatapon ng duming naipon ng kanyang Ina.
Bakas sa mukha ang tamlay at lungkot ng mga mata ni Jenny, putla rin ang mga labi niya. Tanging hiling lamang niya na mapagamot at gumaling na ang Mama niya. Humiling rin ito ng tricycle para may panghahanapbuhay ang Papa niya kung sakali mang walang huli sa pangingisda.
"Bumalik sa dating sitwasyon si Jenny, dati naging Nanay dahil meron siyang kapatid na bunso na maliit pa, siya yung nagpapagatas, siya nagluluto. Sa madaling sabi, balik sa pagka alila na naman si yung bata,"
Pinagpayuhan rin ni Virgelyn si Jewel na turuan si Jenny sa wasto at tamang pagtapon ng mga dumi upang makaiwas ng pagkahawa-hawa ng sakit.
"Pano kung may sakit yung ihi mo, dapat sa palikuran. Tuturuan ang bata kung saan ang dapat tapunan. Yung mga may sakit, yung ihi at dumi dapat nasa tamang lagayan at tapunan,"
Pangarap ni Jenny ang makapagtapos ng pag-aaral ngunit ngayon palang patigil-tigil na ito sa pagpasok sa paaralan ng mga ilang linggo na dahil walang mag-aalaga, magsasaing at magluluto ng ulam para sa kanyang Ina at sa mga kapatid.
Dati ng naabutan ng tulong ni Virgelyn at ng mga taong nagbukas ng kanilang puso para sa pamilya ni Jenny noong naabutan niya itong nangungutang ng kape't asukal sa tindahan upang maipainom pang almusla ng Ina.
Nanawagan ulit ng tulong si Virgelyn para sa kalagayan ng pamilya ni Jenny lalo na sa batang may pangarap makapagtapos ng pag-aaral ngunit dahil sa sitwasyon ng pamilya ay napapaliban na ang kanyang pag-aaral.
"Hindi ako ang tutulong sa inyo, ang tutulong sa inyo ang mga nanunuod. Ito po yung bata si Jenny nananawagan uli na matulungan ang kanyang pamilya. Wala ng magawa si Jenny, pati pag-aaral napabayaan na dahil sa pag-aasikaso, pagluluto para sa kanyang Ina,"
Kilala ang vlogger na si Virgelyn sa pagbibigay tulong sa lahat ng mga itinatampok nito sa kanyang channel. Tulad ng nakagawian, binigyan niya ulit ng mga pangangailangan ang pamilya Jenny, tulad ng bigas, paboritong pagkain ng mga bata at ulam nila, isda pati ng mga gamot at aparatong gamit ni Jewel sa kanyang sakit.
***
Source: Virgelyncares 2.0
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!