Mensahe ni Whamos bilang tatay sa magiging anak, nagpamulat sa mapanglait na lipunan - The Daily Sentry


Mensahe ni Whamos bilang tatay sa magiging anak, nagpamulat sa mapanglait na lipunan




Sa lipunan ng kasalukuyang henerasyon, aminin man natin o hindi, mas lamang ang may mga magagandang mukha, mula sa usaping pagkatanggap sa partikular na trabaho, sa dami ng mga opurtunidad na nagbubukas kalimitan ganda ng mukha ang kailangan, at maging ang magandang pagtanggap at suporta ng mga tao, tunay na nakakalungkot, ngunit totoo. 


Hindi na mabilang sa halos araw-araw niyang nararanasan ang  mga panlalait at panghuhusga ng marami sa isang sikat na content creator at social media star na si Whamos Cruz dahil sa kanyang pisikal na kaanyuan.


Maging ang kwento ng magandang relasyon nila ng gilfriend niyang si Antonette Gail Del Rosario na ngayo'y masayang ipinagbubuntis ang magiging anak nila ni Whamos ay pilit na binabahiran ng masama dahil sa kanyang itsura. 



Malamang marami ang natauhan sa naging post ni Whamos na mensahe niya bilang isang ama sa kanilang magiging anak.   

     



"WAG MO SANA AKO MAKA MUKA BABY PARA DIKA MAKARANAS NG PANG LALAIT NG IBANG TAO,"


Kung siya bilang laman ng social media ay nasanay na o nakakaya ang mga masasakit na mga salitang ibinabato sa kanya, pero siya bilang magiging isang ama na, hindi niya marahil makakaya kung pati ang anak nila ay danasin ang matatalim na salita ng ibang tao dahil lang sa itsura. 


Sinundan pa ni Whamos sa magkahiwalay niyang post ang kahalagahan ng magandang pag-uugali at pakikitungo sa iba kaysa sa itsura lang.


"BALANG ARAW MA IINTINDIHAN NYO DIN NA MAS MAHALAGA ANG UGALI KAYSA SA ITSURA," 




Sa buhay, daig ng may magandang pag-uugali ang magandang itsura lang. Aanhin ang kagwapuhan at kagandahan kung ang pag-uugali naman ay walang kasing pangit at hindi marunong sa buhay, tiyak talo parin sa huli. 


Makikita sa kanilang mga inupload na mga videos kung gaano kaalaga ni Whamos at binubusog ng pagmamahal si Antonette Gail at ang dala-dala nitong baby nila.


"BINILHAN KO SI MAHAL NG MALULUWAG NA DRESS PARA HINDI MAIPIT SI BABY. GAGAWIN KO ANG LAHAT PARA SA TAONG MAHAL KO,"


Matagumpay ang dalawa hindi lang sa kanilang relasyon at sa tinatahak na karera maging sa kanilang mga binubuksan at itinatayong mga negosyo. 



Marami man ang nanglalait sa kanya, bumabaha naman ang mga nagpapakita ng suporta at mga pagmamahal mula sa mga taong nagtitiwala at patuloy na magtitiwala sa kanya at sa kanyang magiging buong pamilya. 


***

Source:  Whamos Cruz

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!