Ruffa, nawindang sa sinabi ni Yilmaz na maaaring pumunta ng Istanbul kasama ang pamilya at ka-date: "Bisita sya pero..." - The Daily Sentry


Ruffa, nawindang sa sinabi ni Yilmaz na maaaring pumunta ng Istanbul kasama ang pamilya at ka-date: "Bisita sya pero..."







Kamakailan lang ay masayang binalita ng aktres na si Ruffa Gutierrez na matutuloy na ang reunion ng kanyang mga anak na sina Lorin at Venice Bektas sa kanilang amang si Yilmaz Bektas.

 
Naganap ang madamdaming pagtatagpo ng mga-aama sa Istanbul, Turkey matapos ang 15 taon na hindi nagkasama at nagkita ang mga ito.


 
Makikita sa video na binahagi ni Ruffa sa TikTok at Instagram na mula sa likuran ng dalawa ay pasurpresa silang niyakap ng kanilang ama na si Yilmaz.

 
“After 15 long years apart, a beautiful reunion will finally take place in Istanbul this weekend. #TogetherAgain,” ayon pa sa caption ni Ruffa

 
Noong Hunyo 10 unang binahagi ni Ruffa sa mga netizens ang nalalapit na pagkikita ng mag-aama.

 
At Hunyo 10 naman nagbahagi ng mga clips ang aktres na nasa Airport na ang dalawa at palipad na patungong Istanbul.

 
“All their bags are packed, they’re ready to go,” ayon sa caption ni Ruffa

 
“5:30am drop off for Lorin and Venice’s morning flight to Istanbul. The girls are super looking forward to reuniting with their Baba and Turkish loved ones after more than a decade.” *




 
“My cuties, have a meaningful, memorable and fun trip! Take lots of pics and videos. Better yet, vlog! I love you.” Dagdag pa ng aktres.

 
Sinundo naman ni Yilmaz ang kanyang mga anak sa Istanbul Airport at masayang niyakap ang mga ito.

 
Samantala, kinaaliwan naman ng mga netizen ang video clip ng panayam ni Ruffa  kung saan ay kanyang binahagi ang naging pag-uusap nila ng dating asawang si Yilmaz.

 
Sinabi daw ni Yilmaz kay Ruff ana welcome siyang pumunta sa Istanbul kasama ang pamilya, kaibigan, o kahit ka-date nya.

 
“Puwede kang pumunta rito, bring your mom, your dad, bring everyone with your family, gusto mo magdala ka rin ng date mo,” kwento ni Ruffa

 
Pero nawindang siya nang sabihin nitong:
 

“Pero kung may date kang dala, tell him to buy one way ticket kasi hindi na siya makakabalik. Ha? Sabi ko, naloka ako!”


 
“Ah, Yilmaz, akala ko nagbago ka na? Bakit ganyan? ‘Di ba, nakakaloka? Bisita siya pero one way ticket lang bibilhin niya, kasi hindi na siya makakabalik, na-stress naman ako ro’n.” ang pabirong sagot naman daw ni Ruffa kay Yilmaz

 
Nakilala ni Ruffa simYilmaz, na isang tagapagmana ng mayamang Turkish family, at itinuturing na “prince” ng kanilang mga Negosyo noong 2000 sa Cannes film festival.