Cristy Fermin, umalma sa panunumbat ni Kris Aquino; Pinayuhang magpakumbaba sa kabila ng maselan na karamdaman - The Daily Sentry


Cristy Fermin, umalma sa panunumbat ni Kris Aquino; Pinayuhang magpakumbaba sa kabila ng maselan na karamdaman




Marami ang nalungkot sa malubhang pinagdadaanan ngayon ng dating Queen of all Media at TV Host na si Kris Aquino. Ikinagulat ng lahat ang kasalukuyan nitong kalagayan lalo na ng kanyang pangangatawan, malayo na sa dati nitong ganda at sigla. Ngunit, kahit pa sa maselan na kondisyon niya ngayon, laman parin siya sa mga kaliwa't kanang mga kontrobersiya. 


Katulad nalang sa usap-usapan ngayon na pinasabog ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin,  tungkol sa mensahe ni Kris sa kanya na bukod sa masakit na panunumbat ay tila ipinupunto nito ang hindi paggawa ng paraan ng dating mga karelasyon at mga ama ng kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby. 



Ibinahagi ito ni Cristy sa kanyang YouTube channel na "Showbiz Now Na" kasama sina Romel Chika at Morly Alinio, kung bakit kailangan pang idaan ni Kris ang kagustuhan nito na magkarooon ng komunikasyon ang mga anak niya sa mga tatay nilang sina James Yap at Philip Salvador. 


Dagdag pa ng manunulat, tila ang ipinunto ni Kris ay maaari naman sana makipag-ugnayan ang kanyang mga dating karelasyon sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng kanilang mga kaibigan na alam ang kanyang personal number ngunit hindi nila ginawa iyon. 



Ngunit sinabi ni Cristy na pwede namang babaan ni Kris ang kanyang pride at makipag-ugnayan sa mga dati niyang partner alang-alang sa kanyang mga anak.


“Idadaan pa sa akin dahil siguro ayaw niyang ibaba ang kanyang pride, ayaw niyang ibaba ang kanyang pagkatao na kokontakin niya ‘yung dalawang ama ng anak niya para lang magkaroon ng komunikasyon," pagdidiin ng manunulat. 



"Bakit kami ang kanyang bubulabugin? Malay ba naman namin sa mga detalyeng sinabi niya? Bakit hindi siya ang gumawa ng hakbang kung talagang kinaaawaan niya sina Josh at Bimby?,"


“Puwede naman niyang gawin ‘yun! Sabi niya kay Senator Bong Go at Jonathan So at kay Atty. Sigfried Fortun na ang number niya ay alam ni James at ni kuya Ipe at alam ni Robin ‘yung kay kuya Ipe, bakit hindi pa niya diretsuhin?," 


"Bakit hindi siya magpakumbaba kung kinakailangan, bakit hindi siya gumawa ng paraan para magkausap sila ng mga ama ng mga anak niya, napakahirap bang tanggapin ang pagbababa ng pride?"


"Sa puso ko mahal ko si Kris! pinagdarasal ko siya palagi. Ang buhay sa pangkalahatan, mas mahaba pa ang panalangin ko para kay Kris at kay Josh at Bimby, dahil naniniwala ako doon sa mga pinopost niya,"


"Pinaniniwalaan ko na parang ito na yon, parang ito na talaga ang huling biyahe ng kanyang buhay. Pero ngayon nagdadalawang isip na ako, sa ganito kaliit na bagay tungkol sa mga ama ng mga anak mo, nagawa mo akong sulatan, nagawa mo akong husgahan at pagbintangan, samantalang lugmok kana sa pagkakasakit ayon sa'yo?,"



"Pano mo ako mapapaniwala ngayon na dapat kitang kaawaan? Dahil sa ipinopost mo parang wala ng bukas ang buhay mo, nakakalungkot!" 


Nag-ugat ang isyung ito sa pinaniniwalaang mahabang mensahe ni Kris laman ang umano'y panunumbat nito sa kanya na huwag ng idamay pa ang mga anak sa mga isyu, ito'y matapos mapanood ni Kris ang summarized at edited videos na ipinapanood sa kanya ni Bimby kung saan nagbibigay siya ng komento ukol kina Kris at sa mga anak nito.



“Ito po ay ibabalik ko kay Kris Aquino, kung ikaw ay may matinding sakit, kung ikaw ay masyado nang nasasaktan sa sakit mo, kung hindi mo na alam kung paano ka mabubuhay dahil sabi mo nga, umaasa ka na lang panalangin at biyaya ng Diyos, bakit nakuha mo pa akong i-text ng milya-milya, kilo-kilometriko para lang sumbatan mo ako na birahin at tirahin na kita huwag ko lang idadamay ang dalawang anak mo dahil kapag nawala ka ay paano na sila? 



“Never kong pinag-usapan si Josh at si Bimby sa isang negatibong aspeto. Kaming tatlo, mag-usap man kami tungkol sa dalawang anak mo, ‘yun ay kakambal nang panalangin namin para sa iyo!


“Maling-mali, unang-una walang atraso sa akin ang mga anak mo!  Saan mo ba kinuha ang tanong na ‘yan?



“Dalawang bata bibirahin ko? Dalawang bata na hindi na nga malaman ngayon ang gagawin kung paano sila magdarasal mabuhay ka lang para huwag mo silang iwasan.


“Kris kung alam mo lang, may mga pagkakataon nga na mas mahaba pa ang dasal ko para sa iyo at para sa mga anak mo kaysa sa personal kong mga kailangan sa Diyos,”


Narito ang pinaniniwalaang mensahe ni Kris Aquino na ibinahagi ni Cristy sa kanyang channel:


"This is Kris, Kriseta, tetay. Messaging you from Houston."  


"Pwede bang makiusap? Please? This whole experience has just been so heartbreaking for kuya & bimb... i recently read what you had commented about. May video kasi that was uploaded & then nag summarize sila nung mga comments mo. It was bimb who showed me."


"But i have very simple facts: Robin continues to check on me. SBG  has my number. If kuya josh's dad had wanted to reach out maraming paraan- may Senator Robin, may Senator Bong Go, and even Jonathan So na kumpare nya na best friend ni SBG knows how to contact me." 


"may 2nd point si James Yap- Mayor Francis Zamora has my number and he also has maintained communications with Atty Sig Fortun, my lawyer who was also his lawyer. Maraming paraan tita Cristy kung gusto nilang mag reach out to kuya & bimb- yet they have not..."  


"So bakit naman pati yung pagkukulang nila parang ako pa rin ang may kasalanan? It hurts a lot because none of you know how difficult this battle is..."


"The statement i put out was truthful pero marami akong tinanggal na hindi na necessary na malaman pa ng tao." 


"You can never like me again- super gets na gets ko yun, but kuya josh & bimb- wala silang atraso sa yo- so please tita Cristy spare my sons."  


"Should anything happen to me while we are here- what happens to them?"


"Tita Cristy - all know we just have today so please let me give kuya & bimb some special memories in case it's really the end of my journey."


***

Source: Bandera

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!