Dahil busy si wifey! Mister, may kakaibang pakulo para lang makasama si misis sa bakasyon - The Daily Sentry


Dahil busy si wifey! Mister, may kakaibang pakulo para lang makasama si misis sa bakasyon



 


Ayon nga sa isang kasabihan, “Real men keep their promises. There are no ifs, and no buts”. Pinatunayan ito ng isang mister sa napaka kwelang pamamaraan. 



Walang iwanan — ito ang pangako ni Raymond Fortunato sa kanyang misis na si Joanne. At upang mapatunayan at tuparin ang pangako ni Raymond na isasama nya ang kanyang misis kahit saan man siya magpunta, ay nakaisip ito ng kakaibang pakulo. 


Habang nasa bakasyon sya at binitbit niya ang isang unan na may wacky face ng kanyang asawa.




Ayon kay Raymond, makakasama dapat nya sa naturang bakasyon ang kanyang misis na nagtatrabaho bilang isang freelance model, subalit nagkaroon ng biglaang event si Joanne kaya hindi ito nakasama sa Coron, Palawan.  




Kwento pa ni Raymond, “nagkatampuhan” pa raw sila nang kanyang misis bago ito umalis papuntang Coron. Pero agad din namang humupa ang galit ni Joanne nang makita nya ang mga kwelang post at captions ng kanyang mister. 



Hindi man sila aktwal na magkasama, parang nakapiling na rin nila ang isa’t- isa sapagkat bitbit ni Raymond ang mukha nang kanyang asawa habang nag-eenjoy ito sa kanyang bakasyon.