Walang kamalay-malay ang isang may bahay na dahil sa tuloy-tuloy na pagtitipid nito ay umabot na sa 67 libong piso ang mga naitabing pera.
Sa pagbabahagi ni Maricar Lizada-Vargas ng kanyang 'iponaryo' kwento sa Facebook page ni Chinkee Tan, nag umpisa raw siyang mag-ipon ng paunti-unting barya at gawing alkansya ang bote ng 1.5 litro na Coke.
Mula sa pagtatabi ng barya ay sinimulan naman niyang mag ipon ng mga singkwenta pesos nitong Enero lamang.
Wala raw itong pinalagpas na pagkakataon at na-adik daw ito sa pag-iipon. Tuwing magkakaroon nga ng 50 pesos ay nakasanayan na nitong itago ang mga ito sa halip na gastusin pa.
At makalipas nga ang 7 buwan ay hindi namalayan ni Maricar na ang kanyang mga itinatabing pera ay umabot na sa P67,000 libong piso.
Maricar Lizada-Vargas | Facebook
Maricar Lizada-Vargas | Facebook
"Nag start ako sa pabarya baryang ipon nilalagay ko sa 1.5 ltr coke prang lalo ako namomotivate pag nakikita kong pupuno ko ng di ko napapansin, then January this year nag start ako sa invisible 50 wla akong pinapalapas nakakaadik pla mag ipon lalo pag nkasanayan mo na haha.Ngayon its time to open na din I can't believed na aa loob ng 7months naka 67k ako ng di ko man lang naramdaman.."
Maricar Lizada-Vargas | Facebook
Maricar Lizada-Vargas | Facebook
Noon pa man ay nakaugalian na raw nito ang pag-iipon, hindi naging maluho at sobrang kuripot lalo na pagdating sa mga material na bagay.
Open minded din pagdating sa passive income ang may bahay na si Maricar. Palaging iniisip ang wants v.s needs at kung papaano pa madadagdagan ang kaniyang kasalukuyang kinikita.
"inshort i always choose kung san convinent at makakatipid."
Maricar Lizada-Vargas | Facebook
Maricar Lizada-Vargas | Facebook
Tulad ng marami, nangungupahan lang ang rakiterang 35-anyos na si Maricar sa kanilang tinitirahan kasama ang kaniyang live-in partner at ang kani-kanilang mga anak.
Magkahati sa lahat ng bayarin at gastusin ang dalawa, maliit man ito o malaki.
Nagdesisyon itong idagdag ang naipon bilang puhunan sa pagiging online distributor. Nakapagpundar na rin aniya ito ng maliit na lupa at mga alagang hayop.
Gaya niya, nais nitong magbigay inspirasyon sa mga makakatunghay ng kanyang istorya.
Chinkee Tan | Facebook
Source: Chinkee Tan | Facebook