Piolo Pascual, hinamon ng suntukan ang netizen na tumawag sa kanila ng kanyang anak na “mag-amang bakla” - The Daily Sentry


Piolo Pascual, hinamon ng suntukan ang netizen na tumawag sa kanila ng kanyang anak na “mag-amang bakla”



Taong 2019 nang mapuno at magalit ang aktor na si Piolo Pascual sa isang netizen na tinawag silang “bakla” ng kanyang anak na si Iñigo Pascual.
Piolo Pascual and Iñigo Pascual / Photo credit to the owner

Nagsimula ang lahat ng magpost sa kanyang Instagram account si Piolo ng kanilang larawan ng anak na si Iñigo.

Kung ang ibang mga netizens ay puro magaganda ang sinabi sa larawan ng mag-ama, ang komento naman ng isang netizen ang talagang ikinagalit ni Piolo.

Mag-amang bakla”, komento ng netizen na may pangalang Leovi Reyes.
Screengrab from Instagram / piolo_pascual

Kahit sinong magulang siguro ay mapipikon o magagalit sa naging bastos na komento ng netizen.

Kaya naman hindi nakapagpigil si Piolo at hinamon ng suntukan ang netizen na si Reyes.

Suntukan tayo!” sabi ng aktor.

Tila hindi natinag ang netizen dahil sumagot ito sa aktor at tinanong kung saang lugar sila magsusuntukan.
Screengrab from Instagram / @piolo_pascual

Nagpatuloy pa ang sagutan ng dalawa kung saan sila magkikita. 

Narito ang kanilang palitan ng komento:
Screengrab from Instagram / @piolo_pascual
Screengrab from Instagram / @piolo_pascual
Screengrab from Instagram / @piolo_pascual
Screengrab from Instagram / @piolo_pascual

Hindi naman malaman kung natuloy ba ang away ng dalawa dahil wala ng naging update pa sa kanilang usapan.

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ng pangbabash o tinawag na bakla si Piolo. Marami na ang usap-usapan patungkol sa tunay na kasarian ng aktor.
KC Conception and Piolo Pascual / Photo credit to the owner

Ito rin daw ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan ni KC Concepcion, ang anak ni Megastar Sharon Cuneta kay Gabby Concepcion.


***
Source: Inquirer