Isang ina, 12hrs nagtatrabaho sa kilalang burger stalls kapalit lamang ang P200 na sweldo - The Daily Sentry


Isang ina, 12hrs nagtatrabaho sa kilalang burger stalls kapalit lamang ang P200 na sweldo





Umani ng atensyon ngayon sa social media ang isang post mula sa isang concern citezen tungkol sa isang Ina na halos iginugugol na ang malaking oras niya araw-araw sa pagtatrabaho bilang isang tindera ng burger machine. 


Kinilalang si Agnes Perez, isang PWD mula Mexico Pampanga ang nanay na nagtatrabaho ng lagpas-lagpas oras pero mababa pa sa minimum ang natatanggap na sweldo. 


Ayon sa post ni Miranda Ramos, naawa siya sa sitwasyon ni Nanay Agnes nang maabutan nila itong mukhang pagod at pawis sa kanyang trabaho bilang tauhan at tindera sa kilalang kainan ng burger. 


Lalo pa nilang kinahahabagan ang inang si Agnes nang malaman nila ang haba ng oras na lagpas pa sa minimum hours na pagtatrabaho ng isang empleyado ang ginugugol nito araw-araw para sa P200 na sinasahod niya. Binabawas pa dito ang pinamamasahe niyang balikan na 80pesos.



"200 daw sya 12hrs taga mexico pampanga pa si ate at eto namang mt carmel located pa siya sa Sanguin Pampanga. So kung magcocommute sya bali 80 pesos kaya 120 nalang daw nauuwi nya. Kaya ginagawa ni ate yung kapalitan nya may tricycle dun nadaw sya natutulog sa tricycle," saad ni Miranda sa kanyang post. 


Kahit sa maliit na pasweldo sa kanya, tinanggap na umano ito ni Agnes at hindi na naghanap pa ng iba pang opurtunidad dahil aniya'y matanda narin naman daw siya, hindi rin daw siya nakapagtapos ng pag-aaral baka wala ring tatanggap sa kanya. 


Isa pa sa inaalala ni Nanay Agnes ay ang kanyang kondisyon na nakakaapekto sa klaro ng kanyang pananalita, baka hindi lang din siya maiintindihan ng iba.




"Sabi namin bat dika maghanap ng ibang trabaho kase napakababa nahihiya daw sya dahil may mga tao na di nakakaintindi sa salita nya. Saka matanda naren daw sya at di nakapag aral,"


Isa lang ang rason nila Miranda sa pagpost ng kwento ni Agnes, para mahanapan sana ng trabahong may benepisyo at tamang pasahod.  


Umani naman ng ibat-ibang reaskyon at komento ang  naturang post, maraming bumatikos sa sistema ng trabaho at pasahod ng naturang kompanya. 


May mga nagsasabi rin na desisyon naman na din ito ng owner na bumili lang ng franchise sa nasabing kompanya. 


Narito ang buong post: 



Nasa hospital kami ng Mt. Carmel Pampanga. Bali dapat mag seseven eleven lang kami kaso wala yung bibilhin namin. Parang out of nowhere naisip namin tara mag burger tayo. Dun namin nameet si ate ng Burger Machine. Pangalan nya Agnes Perez, bali PWD may cleft pallet sya 52 years old may 3 anak at hiwalay sa asawa. 


Natanong namen ate magkano sahod mo dahil mukhang pagod at pawis si ate. 200 daw sya 12hrs taga mexico pampanga pa si ate at eto namang mt carmel located pa siya sa Sanguin Pampanga. So kung magcocommute sya bali 80 pesos kaya 120 nalang daw nauuwi nya. Kaya ginagawa ni ate yung kapalitan nya may tricycle dun nadaw sya natutulog sa tricycle.  


Sabi namin bat dika maghanap ng ibang trabaho kase napakababa nahihiya daw sya dahil may mga tao na di nakakaintindi sa salita nya. Saka matanda naren daw sya at di nakapag aral.



Kaya po pinost koto para mahanapan ng trabaho si ate. Kahit yaya or old sitter lang daw balu may experience nadaw sya as old sitter sa 89 years old bali nagtagal daw sya magwork dun for 8years. Sana po mahanapan ng work si ate sa mga kilala kong CG and old sitter. 


P.S ! Walapong phone si ate, Sa mga gusto po mag abot ng tulong sakanya mag direct nalang po kayo sakanya or puntahan po siya sa work niya. As of now po andami napong nagmemessage and nagaalok ng work kay ate. Sana po madamay din sa blessings ni ate yung workmate nyapo dahil same din po sila ng salary. Salamat po💖


***

Source:  Miranda Ramos

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!