Jeric at Allysa, may reaksiyon sa balitang buntis umano ang kanilang anak na si AJ Raval - The Daily Sentry


Jeric at Allysa, may reaksiyon sa balitang buntis umano ang kanilang anak na si AJ Raval



Kamakailan ay naging mainit na balita ang pagbubuntis umano ng sexy star na si AJ Raval sa magiging panganay na anak nila ni Aljur Abrenica.
Jeric, Alyssa and AJ / Photo credit to the owner

Samantala, nagbigay ng reaksiyon ang ama ni AJ na si Jeric Raval nang tanungin siya ng guest host na si Mateo Guidicelli sa isang programa.

Isa si Jeric sa mga celebrity player ng "Pera Usog" segment ng Tropang LOL nitong Huwebes ng tanghali, July 21, 2022.

Tanong ni Matteo: “I have a daughter, may mga tsismis, how do you push it aside kasi focus ka lang sa trabaho mo?”
AJ Raval / Photo credit to the owner
AJ Raval / Photo credit to the owner

Ayon kay Jeric, hindi nito pinapansin ang mga intriga dahil nagbibigay lamang ito ng stress.

“Well, gaya noong bago-bago akong nag-aartista, pag ganoong mga intriga, pasok lang dito, labas doon," sabay turo sa kanyang tenga.

"Kasi kasama ‘yan sa pag-aartista. Sa showbiz, kasama ‘yan. Kung hindi ka handa diyan, hindi para sa 'yo itong trabaho na ‘to.”

Sanay na sanay na si Jeric sa kalakaran sa showbiz kaya parang hindi na siya apektado ng balita tungkol sa pagbubuntis ng kanyang anak.
AJ and Allysa / Photo credit to the owner
Jeric and AJ / Photo credit to the owner

Tila may kinalaman din sa isyung kinasasangkutan ni AJ ang cryptic post sa Facebook ng kanyang ina, ang former sexy star na si Alyssa Alvarez.

"Mabuhay po tayo ng mapayapa na walang pakialam sa buhay ng iba," makahulugang post ni Alyssa.

“Linisin ko muna itong FB ko, mukhang bibisitahin na naman ng mga Marites, palit dp. Kelangan maganda ako.

“Tapos Iinglisin ko na mga post ko. Wait nga. Open ko na rin ang messenger ko para maaway n’yo ko kase baka di naman makatulog mga taong ‘to,” may sarcasm o panunuya na Facebook post ng biological mother ni AJ.


***
Source: PEP