Napalitan ng magkahalong emosyon ang sana'y puno ng saya sa pag-uwi ng bagong silang na sanggol sa kanilang tahanan na kakalabas lamang ng ospital, matapos silang maispatan ng isang traffic enforcer ng Balamban traffic operation management, Balamban, Cebu at hinuli dahil umano sa paglabag ng batas trapiko sa lugar.
Ayon sa post ng taong sangkot sa pagkahuli at ang may dala ng bata sa pahayagan ng RMN-DXPR Pagadian 603, hinuli sila ng enforcer dahil sa umano'y walang suot na helmet ang sanggol habang nakasakay sa motor.
"Thank you Lord nakalabas na kami, pero ang hindi ko maiintindihan sa aking nararamdaman ay nung hinarang kami ni Sir Lopez," saad ni Mary Pacquiao
"Ang akala ko kung ano nang kasalanan at mali namin na sa napakaaga ay hinuli kami dahil sa sanggol na walang suot na helmet. Kakapanganak palang kahapon ng bata tapos ngayon pinauwi na sa amin after 24hrs," paliwanag pa nito.
Maigting ang pagbabantay ng mga kawani ng lokal na gobyerno sa pagpapatupad ng mga batas trapiko upang bantayan ang kaayusan at kaligatasan at ang siguraduhing sumusunod ang mga motorista sa panuntunan upang maiwasan ang gulo at sakuna sa kalsada.
Dadgag pa nito, hindi rin na umano mapakali at matigil sa pag-iyak ang ina ng bata nang malaman nito ang sitwasyon ng kanilang pagkahuli.
"Hinuli kami dahil walang suot na helmet yung bata, patawarin pero di ko alam ang nararamdaman ko ngayong umagang-umaga. Panginoon ko, hupayin mo ang aking nararamdaman ngayon na hindi ko maintindihan,"
"Si Lopez, salamat sa paghuli mo sa amin ngayong umaga. Grabe ang iyak ng nanay nang malaman niyang hinuli mo kami. Salamat Sir."
Inulan naman ng pagbatikos ang traffic enforcer mula sa mga komento at reaskyon ng mga netizens na naawa sa kalagayan ng sanggol. Marami ang naniniwala na kung meron mang paglabag sa batas trapiko silang nagawa, hangad nila'y sana binigyan nalang sila kahit kaunting konsiderasyon lalo nat may bata silang dala.
***
Source: RMN-DXPR Pagadian 603
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!