Paghingi ng Tulong Pinansiyal ng Pamilya ni Pen Medina, Inokray ng Netizens! - The Daily Sentry


Paghingi ng Tulong Pinansiyal ng Pamilya ni Pen Medina, Inokray ng Netizens!



Photo credit to Bandera

Noong nakaraang linggo ay nanawagan at humingi ng tulong pinansiyal ang pamilya ng beteranong aktor na si Pen Medina dahil nakatakda raw itong sumalang sa isang surgery.

Ibinahagi ng mga anak ng aktor ang kanilang panawagan ng tulong para sa kanilang ama na kasalukuyan diumanong diagnosed ng Degenerative Disc Disease, isang kondisyon sa buto o 'spinal column'.



Veteran Actor Pen Medina | Photo credit to Bandera

"To his friends, relatives, and co-workers, our dad, 71-year-old actor Pen Medina has been in the hospital for three weeks now and currently cannot sit or stand up due to Degenerative Disc Disease (DDD). He is scheduled for a major spine surgery on Tuesday, July 19," ayon sa Instagram post ng mismong aktor na si Pen.

Base rin sa naturang post ay naubos na diumano ang ipong pera ng aktor dahil nawalan ito ng trabaho ng magsimula ang pandemic.

Photo credit to Pen Medina | Instagram



"Due to the pandemic, our dad scarcely had any work, which siphoned his savings over the past two years. We are trying to help him as best as we can but it will be a long road to sufficient recovery for him.", anila

Kaya naman nakikiusap ang pamilya na sana ay matulungan sila financially upang maipagamot ang aktor. Umapila rin sila na ipagdasal si Pen sa pag-galing nito.

"We humbly appeal for your charitable help and prayers as our family navigates through helping him get back on his feet — literally and figuratively.", pakiusap ng kanyang mga anak.

Photo credit to Bandera

Photo credit to Bandera


Ngunit kung may naaawa at nakisimpatya sa kundisyon ngayon ng beteranong aktor, ay may ilang netizens rin ang kumukuwestiyon at nagdududa sa paghingi ng tulong pinansiyal ng kanyang mga anak para sa pagpapagamot nito.

Ayon sa ibang komento, bakit daw kinakailangan pang manghingi ng kanyang mga anak ng “ayuda” sa publiko gayung lahat sila ay halos nag-aartista at siguradong kumikita naman.

Narito ang ilan sa mga negative comments na kanilang natanggap:

"Ugali na cguro nila manghingi Ng tulong..Mag Artista na lang ako para makahingi din ng tulong"

"Noon nman anak ngpost na nghihingi ng panghanda sa bday nya.. Tagal n nila artjsta magaaama walang naipon."

"Nung nakaraan anak nya nahingi pam bday..Get well soon."

"Pag nagbigay kayo, isama rin yong pam birthday ng anak niya!"

"Bakit walang ipon yan???ang tagal na niyang artista halos tuloy tuloy ang project nung araw yan?"

"Dapat tulungan siya ng nga kasama sa trabaho ang movie industry mayroon silang pundo wag ng idaan sa social media dahil marami din mahihirap hindi na nakatulong naglalabas ng negatibo damdamin pagaling po kayo sir pen medina isa kayo sa haligi ng pelikulang pilipino"

"Buti pa cla pag may problima mkahinge ng tulong artista cya pati mga anak nya pero kmi mahirap d ganun ultimo mg bday anak nya c ping ba yun png bday lng nanawagan dati social media png gastos"

"Bat hindi ka nag upon ng panahon malakas kp kita sa movie mo at sa trabaho mo. Now nananalimos kayo lahat nman ns hirap din ng kalagayan. Tama sino gusto magbigay yun lng mero kayo katwiran . Kpg iba tao nangailagan magbigay din ba kayo kung hindi nyo sla kilala"

***

Subalit sa kabila ng lahat ng pangbabatikos at pangookray sa kanila, ay deadma lamang at hindi na ito pinapansin ng pamilya Medina.




Source: Bandera