Ruffa Gutierrez nataranta at di nakatulog dahil sa offer sa kanya: "I was too perplexed thinking about his offer..." - The Daily Sentry


Ruffa Gutierrez nataranta at di nakatulog dahil sa offer sa kanya: "I was too perplexed thinking about his offer..."



Larawan mula sa Instagram



Ginulantang ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang Twitter kamakailan lang nang mag tweet siya na hindi daw siya makatulog dahil sa taranta matapos niyang makatanggap ng alok sa isang male personality na magkaroon ng baby.
 
Aniya, masyadong malalim ang kanyang iniisip nang gabing iyon para magkaroon ng pakiaalam sa labas ng mundo.

 
"I couldn’t sleep last night. I was too perplexed thinking about his offer to have a baby to care about the outside world." Ayon sa caption ng aktres na hindi pinangalanan kung sino ang nag offer sa kanya
 
Si Ruffa ay napapabalitang nobya ng actor-turned politician na si Herbert Bautista, na dating alkalde ng Quezon City.
 
Kamakailan lang ay nagkaroon ng palitan ng pahayag ang aktres at dating Comelec commissioner Rowena Guanzon tungkol sa isyu na pinapalayas umano ni Ruffa ang dalawa niyang katulong nang walang bayad.
 
Agad naman itong tinanggi ni Ruffa at ipinaliwanag na kusang umalis ang dalawang bagong kasambahay niya dahil sa hindi pagkakasundo sa ibang mga kasamahan.
 
"Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay ng wala po ako. They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave." Paliwanag ng aktres sa isang tweet*


Ruffa Gutierez bilang si Imelda Marcos sa 'Maid in Malacanang' | Larawan mula  sa Manila Bulletin


 
Ayon pa kay Ruffa, masyado siyang busy dahil sa shooting ng ‘Maid in MalacaƱang’ at ang mga abogado na niya ang umaasikaso sa pangyayari.
 
Ngunit sa kabila ng paliwanag ni Ruffa tungkol sa nangyari ay hindi pa rin dito natapos ang pakikipag-bardagulan ng dating opisyal ng Comelec.
 
Sa sagot ni Ruffa ay tinawag niyang ‘Ms. Guanzon’ ang dating Comelec commissioner na tila hindi nito nagustuhan.
 
“Hello Ms. Guanzon, No it’s not true. There was a situation at home while I was shooting on the set of “Maid In MalacaƱang”, so my staff had to call security to make sure my children were safe.” Ani Ruffa
 

“That Ruffa Gutierrez must learn to say ‘Congresswoman.’ Hahaha! You call me cong or I will call u something else. Sige ka #Bardagulan,”  ang naging sagot naman ni Guanzon sa isa niyang Twitter post nitong July 8


Twitter | Rowena_Guanzon


 
Si Guanzon ay humalili bilang first nominee ng P3PWD party-list bagama’t nakabinbin pa rin sa Supreme Court ang kanyang pag-upo sa nasabing pwesto dahil sa inihaing petisyon laban dito