Vanessa Raval ibinahagi ang pangungulit sa kanya ng isang "rapper na feeling pogi": "Hindi ko kayang kumain ng putaheng pangit ang lasa" - The Daily Sentry


Vanessa Raval ibinahagi ang pangungulit sa kanya ng isang "rapper na feeling pogi": "Hindi ko kayang kumain ng putaheng pangit ang lasa"



Kamakailan lamang ay naging maingay sa social media ang isyung kinasangkutan ng rapper na si Skusta Clee matapos ang hiwalayan nila ng vlogger na si Zeinab Harake.
Vanessa Raval / Photo credit to the owner

Napabalita rin na may bago ng girlfriend ang rapper at kinilalang si Aira Lipata.

Samantala, usap-usapan naman ngayon ang ibinahaging post ng kapatid ni AJ Raval na si Vanessa Raval patungkol sa usapan nila ng isang lalaking hindi niya pinangalanan.

Ayon sa usapan, pilit niyayaya ng lalaki si Vanessa na makipagkita sa kanya dahil nagkakalabuan na umano sila ng kanyang kasalukuyang partner.
Vanessa Raval / Photo credit to the owner
Jeric Raval and Vanessa Raval / Photo credit to the owner

Hindi naman pumatol si Vanessa dahil bukod sa mayroon itong boyfriend, hindi raw niya type ang lalaki dahil hindi raw niya kayang “KUMAIN NG PUTAHENG PANGIT ANG LASA.”

Sa kanyang Facebook account, sabi ni Vanessa, “Isang rapper Ang Ayaw ako tigilan sa chat. Naba-bash kana sa pambababae mo Wala ka parin dala? Mahilig ka talaga sa malaman no? ‘Wag ako, e ano kung sikat ka? Maganda lahi ng tatay ko ‘wag Mong dungisan.”


“Hindi ako kagandahan, kaputian, o ka-sexyhan pero pass sa pangit na cheater.

“Para dito sa rapper na feeling pogi, makuntento ka sa chickas mong bayaran. Wag moko idamay.  Imbis na mag-focus ka sa isang anak, nagpo-focus ka sa madaming babae. Hindi lahat ng natipuhan o pinagnanasaan mo kakagat sa ‘yo.  Sorry hindi ko kayang kumain ng putaheng pangit ang lasa,” aniya.


At sa huling post ni Vanessa ay tila nagbigay na siya ng clue kung sino ang sikat na rapper na nangungulit sa kanya.

“Yung sabihin mong nagsasawa kana sa ugali n’ya at bumebwelo ka lang na hiwalayan s’ya ay hindi mo kina dagdag ng puntos sakin yon. Bagkus, nag mumuka ka lalo Walang bayag.

Ano? Iisa-isahin mo lahat ng babae sa mundo? Langit naba tingin mo sa sarili mo? Papasukan mo lang tapos Ikaw pa susuka?  Sa pangit mong yan?  Mas mataas pa pangarap mo kay KOKEY Sxaucseee,” dagdag nito.

Wala mang binanggit na pangalan si Vanessa ngunit dahil ipinost nito ang larawan ng viral meme ni Skusta Clee, nagets na agad ng mga netizens kung sino ang tinutukoy nito.

“Yung poging pogi ka sa sarilimo Pero Ayaw mag pahatid sayo ng pinopormahan mo,” caption ni Vanessa sa meme.

Narito ang screenshots ng usapan nina Vanessa at ng lalaking hindi niya pinangalanan.
Screenshot from Vanessa Raval

Screenshot from Vanessa Raval

Screenshot from Vanessa Raval


Screenshot from Vanessa Raval


***