Amang halos 4-na dekadang nagtatrabaho bilang security guard, napagtapos lahat ng mga anak sa kolehiyo - The Daily Sentry


Amang halos 4-na dekadang nagtatrabaho bilang security guard, napagtapos lahat ng mga anak sa kolehiyo




Halos apat na dekadang pagsasakripisyo ang iginugol ng isang ama sa pagtatrabaho bilang isang security guard upang maibigay ang mga pangangailangan ng pamilya at  upang mapag-aral ang mga anak.


Masayang ibinagi ni Therese Calibo-Spiers, ang pinakahihintay nilang araw na makakapagpahinga na rin sa wakas ang kanilang amang si Tereso Ampong Calibo, mula sa 36years nitong paninirbisyo sa isang bangko. 


Bilang pasasalamat at pagpapahalaga sa lahat ng sakripisyo ng kanilang ama, sinorpresa nilang apat na magkakapatid na pawang mga nakapagtapos ng kanilang pag-aaral hanggang kolehiyo dahil sa suportang ibinibigay ng kanilang masipag na Tatay, kasama ang buong pamilya sinundo nila ito pinakahuling araw na pasok sa trabaho.



"Last Friday, nagpunta kami sa work place ni Papa kasi last day na niya. Naka-early retirement na siya. More than 35 years na rin kasi siya sa Metrobank,"


“We wanted to have a souvenir photo with our father in front of his workplace. It was also his last day sa work. We surprised him because we wanted to honor and to praise him,”


"We wanted to see him on his work sa last day nya. It was a quick visit kasi bawal kami tumagal sa bank dahil it was almost closing time,” 


Lahat silang apat na magkakapatid ay kapwa mga propesyonal na at ang lahat ng ito'y kanilang taos pusong ipinagpapasalamat sa pagmamahal at pagtitiyaga ng kanilang ama sa mahabang panahong iginapang ang pagpapa-aral sa kanila.


“Kahit mahirap ang buhay, at marami kaming napagdaanan, pinilit talaga ng tatay ko na makatapos kaming apat,” 



"Dahil sa trabaho niya, napagtapos niya kaming apat niyang mga anak. Kahit mahirap ang buhay, at marami kaming napagdaanan, pinilit talaga ng tatay ko na makatapos kaming apat,"


"Thank you Papa sa lahat ng sakripisyo. ❤️ 


Nakapagtapos silang magkakapatid sa kursong Computer Science, Business Administration, and Information Technology at may mga kanya-kanya ng karera at trabaho. 


Aminadong mahirap at mapanganib ang trabaho, kaya't hindi maitago ang sobrang kasiyahan at pasasalamat ni Tereso na kahit pa sa uri ng kanyang trabaho na hindi rin kalakihan ang sweldo ay nagawa niyang mapagtapos lahat ng kanyang mga anak. 


“Masaya rin na kahit bilang guwaryda, nakapag tapos silang lahat. Yan ang number 1 kong naisip talaga. ‘Di ko makalimutan sa sarili ko na ganun ang nangyari. ‘Yan ang number 1 kong pinasasalamat talaga sa Panginoon," saad niya


Bilang isang ama at sa hirap ng pamumuhay nila, naranasan niya ang walang makain at ang pumasok sa trabaho na kumakalam ang sikmura, pero tiniis niya ang lahat ng ito at npinagsisikapan igapang ang pag-aaral ng mga anak dahil ayaw niyang maranasan nila ang paghihirap niya noon. 



“Masayang masaya ako. Nakikita ko 'yung sa kahirapan ko sa trabaho, may kapalit din pala," 


"Kaya nagpapasalamat ako sa Panginoon… Ayoko yung naranasan ko, maranasan nila. Ayoko matulog sila sa kalye… kailangan kung mag trabaho kayo sa medyo malamig na lugar—sa opisina na kayo,” hiling ng isang ama para sa kanyang mga anak. 


Inalala rin ni Therese kung gaano kahirap ang pinagdaanan ng pamilya nila noon kung saan halos tinatanggihan na sila ng mga pinag-uutangan ng Nanay nila para lang may makakain sila. 


Hind rin sila nakaiwas sa mga pangungutya at pangmamaliit ng mga ibang tao na kailanman hinid sila makakapagtapos ng pag-aaral dahil sa security guard lang umano ang Tatay nila. 



“Wala talaga kaming makain nung araw na ‘yun. ‘Di namin alam kung saan kami kukuha ng pera. Tapos naalala ko noon, may inutangan si mama, parang P5 na lang yung binigay sa kanya. Tapos ‘yun yung pinambili namin ng tuyo… ‘yun yung mga lowest point namin na wala talaga kaming makain," 


“Ang daming nagsasabi sakin na “ah, ‘di ka makakatapos kasi… yung tatay mo security guard,” she said. 


Gayunpaman, imbes na panghinaan na loob, humugot silang magkakapatid ng lakas ng loob sa kahirapan na dinaranas nila. Lalo pa't nakikita nila kung gaano kasipag ang kanilang ama makapag-aral lang sila. 


“Sabi ko sa sarili ko noon, kelangan makapagtapos ako. Sabi ko, hindi ako magiging ganito lang. Gusto ko lumaki, mag grow para sa sarili ko at para sa pamilya ko,” 



“Sila talaga yung biggest inspiration ko. Kasi sabi ko, ayokong dumating sa point na wala na naman kaming pera… Sabi ko, hangga't kaya ko makapagtrabaho, at kaya ko pang maghanap ng ibang part time jobs, kakayanin ko,” 


“Sabi ko sa kanila, sa tatay ko, “pa, ngayon, kahit mawalan ka ng trabaho, tutulungan naman kita. ‘Wag mo na alalahanin yung pagkain everyday. Kahit dito ka na kumain sa bahay, meron ka pang allowance,” 


Ipinakita ni Tereso sa loob ng 36years ang kanyang katapatan at pagiging mabuting empleyado sa kompanyang hindi siya iniwan at dati na siyang tinulungan nang mawalan sila ng bahay dahil sa sunog at demolisyon. 


Kaya malaki ang pasasalamat niya sa mga boss niya sa Metrobank N. Domingo, San Juan branch na siyang nag-aambag-ambag upang makapagsimula silang muli ng pamilya niya. 



“Hindi ko pwedeng ipagpalit yung serbisyo ko [at] ang tiwala sakin sa bangko. ‘Di ko pwedeng sirain ang sarili ko. Ang pamilya ko nakasalalay dito. Kasi kung wala ang [bangko], wala ang agency sakin, hindi makakapagtapos ang mga anak ko,” he said. 


Nakakatanggap din siya ng mga papuri mula sa kanilang mga kliyente ng bangko at maging sa kanyang mga managers dahil sa kanyang katapatan sa serbisyo. Hindi siya nasisilaw sa mga bagay na naiiwanan ng mga kustomer nila, isinasauli niya ang mga naiiwanang payong, susi ng sasakyan at wallets. 

 

***


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!