Babaeng sinaway sa istorbo nitong buhok sa jeep, nagalit at minura ang nagreklamong pasahero "Nakarebond ako!" - The Daily Sentry


Babaeng sinaway sa istorbo nitong buhok sa jeep, nagalit at minura ang nagreklamong pasahero "Nakarebond ako!"




Maraming mga nakakatuwa at hindi makakalimutang karanasan ang karamihan ng mga pasahero sa loob ng mga pampasaherong sasakyan, isa na dito ang nagviral sa social media tungkol sa simpleng pagsaway lang ng isang pasahero sa katabi niyang babae dahil sa buhok nitong nakalugay ay hinahangin papunta lahat sa mukha niya.  


Sa inupload na kuhang video ng kasamahan nilang pasahero na si Anika Lopez Rafols, pinakisuyuan ang isang ginang na nakaupo sa unahang bahagi ng jeep na kung maari ay itali ang buhok nito lalo na kung nasa pampublikong sasakyan upang hindi nakakaistorbo sa mga katabing mga pasahero na kulang nalang nguyain ang libreng pakain na buhok. 





"Kung mahaba ang buhok mo, itali mo kung sasakay ka ng jeep. Yan ang tamang pag-uugali," mahinahong reaksyon ng katabing pasahero. 


Ngunit imbes na humingi ng pasensya ang ginang na pinagsabihan ay bigla itong nagalit at nagsisigaw. 


"Hindi ko to itatali, mahal ang bayad magpa-rebond. Hindi ako mayaman, pero nakaka-afford ako." galit na pakikipagsagutan ng ginang.





"Hindi mo naman pala gusto ang ganito, mag taxi ka para ikaw lang mag-isa don. Napakareklamador mo...kung mayaman ka ba't ka [nagjejeep]?,"  


"Huwag kang makialam kung hindi ko 'to itatali. Wala kang pakialam. Tse!" dagdag niya. 3


Sagot naman ng nagreklamo, na hindi siya nangingiaalam sa kung ano ang gusto ng babae gawin sa buhok niya, kaso nakakaistorbo na ito sa kanya. 


"Wala akong pakiaalam pero...wag kang mang-istorbo, yung mga buhok mo nasasaakin na. Anong gagawin ko kung nasa sa mukha ko na yung mga buhok mo? Okay ka lang!?"



Dito na nagkainitan ang dalawa at patuloy na nagkasagutan sa loob ng jeep, habang wala naman imik ang ibang mga kasamahna nilang mga pasahero. 


"Nagparebond ka na nga lang, dapat isinama mo narin sanang ipinaderma yang pagmumukha mo. Napakafeeling mo. Kung mag feeling ka, check mo muna yang mukha mo, kung maganda!," banat ng nagreklamo, saka siya bumaba na ng jeep.


Habang pababa na siya, sinisigawan parin siya ng ginang "Arte!!!!. Mag Taxi ka sa susunod. Mabangga kapa sana! P***** i** ka! Feeling kang bakla ka! P*ste!!," 


Parang sasabog na sa galit ay nagdadaldal parin ito sa kinauupuan niya, at naisipang bumaba na para habulin ang nakasagutan nitong pasahero. 


Doon na sila magpaabot sa gilid ng kalsada at sumabog na ang galit ng babae ang pinagsisigawan at minumura ang kaaway nito sa harap ng mga maraming tao. 



Komento ng ibang mga pasahero sa video, maayos ang pakikiusap ng nagreklamo pero biglang ikinagalit ito ng babae. 


***

Source:  Anika Lopez Rafols

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!