Dating tampulan ng tukso at laging umiiyak paguwi galing eskwela, ngayon ay modelo't may sariling negosyo na! - The Daily Sentry


Dating tampulan ng tukso at laging umiiyak paguwi galing eskwela, ngayon ay modelo't may sariling negosyo na!



Kayamanang maituturing lalo na para sa mga kababaihan ang kanilang kagandahan. Ang pagkakaroon ng makinis na mukha at magandang hubog ng katawan ay isa sa mga itinuturing na paraan upang maitaas ang kanilang kumpyansa at moralidad.

Ngunit paano na lang kaya kung ang iyong taglay na hitsura, ay hindi kaaya-aya?




Kagaya ng normal na sanggol, ipinanganak ng may makinis na balat ang ngayo'y dalagita ng si Joanna Sisracon. Ngunit noong Oktubre 27 2003 ay nagsimulang magbago ang buhay nito.

Limang buwang gulang pa lamang siya noon nang sa di inaasahang pagkakataon ay nasunog (2nd degree burn) ang kanyang ulo at mukha.

Nagsimula ang insidente dahil sa nahulog na gasera na pinaniniwalang nasagi ni Joanna habang ito'y gumagapang.
 
Joanna Sisracon | Facebook

Joanna Sisracon | Facebook


Sariwang sariwa pa ang araw na iyon sa alaala ng ina ni Joanna na si Soly Sisracon.

"Walang-wala kami. Hirap na hirap. Walang kuryente, kaya ang pang-ilaw lang namin ay ang gasera" ani Soly.

Dahil sa aksidente, nagdulot ito ng malaking peklat sa ulo at mukha ni Joanna na siyang naging kalbaryo sa kanyang buong buhay pagkabata.

Malaking parte ng ulo nito ang hindi na tinubuan pa ng buhok at naging tampulan ito ng tukso.

Kaya't imbis na maging katulad ng ibang estudyante na masayang naglalaro at nag-aaral ay naging masalimuot ang kabataan nito.

“Palagi iyan umiiyak kapag umuwi galing school" Pahayag ng inang si Soly.

Lumaki man na may pagsisisi sa pisikal nitong anyo, hindi ito nawalan ng pag-asa. Natutunan niyang mag-ayos ng sarili. Sinimulan nitong gumamit ng kolorete upang matakpan ang peklat at magsuot ng wig para magsilbi niyang buhok.

Joanna Sisracon | Facebook


Lumipas ang panahon at dahil na rin sa lakas ng loob nito, pinakita niya ang kaniyang tunay na hitsura sa social media upang magbigay inspirasyon at ipaalala sa mga netizens na ihinto na ang pang "bu-bully."

“Masakit man pero kailangan tanggapin… hindi niyo alam ilang taon ako naiinis sa sarili ko" Sabi sa post nito.

Nag-trending ang video nito sa Tiktok at umabot sa mahigit 30 million views.

Joanna Sisracon | Facebook

Joanna Sisracon | Facebook


Dahil sa ganda ng mensaheng ipinahihiwatig nito, napansin ng anak ng Presidente at CEO ng Ever Bilena Cosmetics, Inc. ang istorya ni Joanna.

Sadyang napahanga ang mga ito kaya naman nagdesisyon sila na tulungan si Joanna at bigyan ito ng pangkabuhayan na nagkakahalaga ng P50,000 piso.

Bukod dito ay binigyan din siya ng pagkakataon para maging modelo para sa nasabing sikat na beauty products.

Joanna Sisracon | Facebook

Joanna Sisracon | Facebook


Isang malaking pagbabago nanaman ang nangyari sa buhay nila Joanna pero sa pagkakataong ito, blessing na maituturing ang tinatamasa nila.

Malugod at emosyonal itong tinaggap ng pamilya, partikular na ang inang si Soly dahil ayon sa kanya, 11 taong gulang pa lamang siya ay nagtitinda na siya ng isda.

Ayon pa dito, milagro ng maituturing na nakaligtas si Joanna noon sa nangyaring aksidente. Pero dahil sa natanggap na biyaya, isa na namang 'di inaasahang milagro ang nangyari sa kanilang buhay.

Joanna Sisracon | Facebook

Joanna Sisracon | Facebook



Source: mb.com.ph