Kahit Singkwenta na! Thalia Miranda aka "Marimar", wala pa ring kupas ang ganda. - The Daily Sentry


Kahit Singkwenta na! Thalia Miranda aka "Marimar", wala pa ring kupas ang ganda.



Sa edad na 50 taong gulang, tila hindi tumatanda at napakabata pa rin kung titignan ang original Marimar at Rosalinda si Thalia Miranda.

Sa murang edad ay minahal at kinahumalingan na siya sa buong mundo lalo na ng mga Pinoy dahil sa husay na pagganap nito sa kanyang mga Telenovela.




Thalia Miranda | Facebook CTTO

Thalia Miranda | Facebook CTTO


Halos hindi napigilan ang pamamayagpag ng kanyang mga palabas dito sa Pilipinas noong dekada 90 dahil na rin sa ganda ng istorya nito na isinalin pa sa wikang tagalog.

Matatandaang nagkaroon din ng sariling bersyon ng Marimar noong taong 2007 sa ating lokal na telebisyon na siya namang pinagbidahan ng aktres na si Marian Rivera.

Bukod dito ay pinasikat din niya ang karakter na si Maria Mercedes na pinagbidahan ni Jessie Mendiola nang ito'y gawan ng remake noong 2013.

Ngunit hindi lang sa pag arte nakilala si Thalia, isa rin siyang magaling na singer si Thalia at halos lahat ng naging opisyal na musika ng kanyang mga palabas ay siya ang umawit.

Sa katunayan, 40 million na album ang bilang ng naibenta nito sa buong mundo hanggang sa kasalukuyan.

Sa likod ng lahat ng tagumpay na ito ay nananatiling maningning pa rin ang kagandahan at kaseksihan ni Thalia na siyang magdiriwang ng ika-51 na kaarawan sa Agosto 26.

Marimar Philippines | Facebook

Marimar Philippines | Facebook


Narito ang ilan pang kaalaman tungkol kay Thalia:

Si Thalia ay nagsimula sa paglabas sa mga TV commercials. Nag-aral din ito ng "ballet classes" sa edad na 4-anyos sa "National Conservatory of Music.

Ang kanyang mga inspirasyon at idolo ay sina Madonna at Marilyn Monroe.

Ayon sa mga nakakakilala kay Thalia, siya raw ay relihiyoso at malakas ang pananampalataya sa panginoon.

Siya ay ikinasal sa presidente ng Sony Music na si Tommy Mottola noong Oktubre 2007 at biniyayaan ng dalawang anak.

Marimar Philippines | Facebook

Marimar Philippines | Facebook