Fitness instructor, hinamon ng boxing match sina Jimuel at Michael Pacquiao: "Sen. Manny, gusto kong patikimin yang mga anak mo" - The Daily Sentry


Fitness instructor, hinamon ng boxing match sina Jimuel at Michael Pacquiao: "Sen. Manny, gusto kong patikimin yang mga anak mo"



Isang vlogger at fitness instructor ang humamon sa anak ni dating senator Manny Pacquiao na sina Jimuel at Michael Pacquiao ng boxing match.
 Jormiel Labador, Jimuel, Michael and Manny Pacquiao / Photo credit to the owner

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Jormiel Labador alyas “Haring Bangis” na nais niyang makalaban ng sabay ang magkapatid na Pacquiao dahil tila natatakot raw ang panganay na si Jimuel sa kanya.

Aniya, una na niyang hinamon si Jimuel ngunit hindi raw ito sumagot o nag-react man lang. Marahil ay natatakot raw ito sa kanya.

“Hindi nagpaparamdam, ewan ko kung takot ba talaga siya,” sabi ng vlogger.

Kamakailan, tinawan lang ni Michael ang paghahamon ng vlogger sa kanyang kapatid. Kaya naman pati siya ay isinama ni haring bangis sa kanyang hamon.

“Baka natatakot si Jimuel, pwede naman silang sabay. Okay lang sakin yun,” sabi pa niya.

"Kahit sila may helmet ako wala akong helmet okay lang sakin," dagdag pa niya.
Jimuel Pacquiao / Photo credit to the owner

Aniya, kahit na sa rap battle ay kayang-kaya niyang talunin si Michael na kilalang nagra-rap.

"Kahit sa rap battle kaya ko yun eh. Kahit tagalog or english kaya ko yun," sabi ni haring bangis.
Michael Pacquiao / Photo credit: Wish Bus

Ayon kay Labador, pera daw ang kanyang habol kaya gusto niyang labanan ng boxing si Jimuel.

Ipinakita din nito ang kanyang boxing skills na maaring gamitin niya sa magkapatid na Pacquiao kung papayag sila sa hamon niya.

Dagdag pa niya, ayaw niyang ipakita lahat ng kanyang boxing skills dahil baka raw pinapanood siya ng pamilyang Pacquiao at malaman kung papaano siya talunin.

Panoorin ang video ni haring bangis sa ibaba:


Sa ngayon ay wala pang sagot sina Jimuel at Michael sa hamon ni haring bangis.

Ilang netizen naman ang pabiro na sinabi na bakit hindi ang ama ni Jimuel at Michael na si Manny Pacquiao ang hamunin ni Labador.
Jimuel and Jinky Pacquiao / Photo credit to the owner

Mayroon din nagsabi na imposibleng mangyari ang hamon ni Labador.

Idol talaga kita tol sa larangan ng motivate sa pagpapaganda ng katawan madalas kita pinapanood sa mga turo mo sa blog mo noon mas ok na ganun kanalang tol kesa maghamon kanang mga taong imposible mong talunin tol,” sabi ni netizen Chris Chiu.
Jimuel Pacquiao / Photo credit to the owner

Kamakailan lamang ay tinalo ni Jimuel si Dylan Merriken sa isang 3-round amateur fight Quiet Cannon Country Club in Montebello, California.


***