Larawan nila Cheska Garcia, kinaaliwan matapos makita ang malagkit niyang tingin sa braso ng kanyang asawa. - The Daily Sentry


Larawan nila Cheska Garcia, kinaaliwan matapos makita ang malagkit niyang tingin sa braso ng kanyang asawa.



Halakhak ang naging dulot ng isang larawan na kumalat sa Facebook kung saan kasama ng popular na mag-asawang sina Cheska Garcia-Kramer at Doug Kramer ang ilang kaibigang artista.

Nakuha kasi sa camera ang tila malagkit na tingin ni Cheska sa babaeng naka-hawak sa braso ng kanyang mister at hindi ito nakalusot sa matatalas na mata ng mga netizens.




"Yung may humawak sa Nesfruta mo!" Ito ang naging kaaliw-aliw na caption sa larawang ibinahagi ng mga Facebook page na Quickstrikeasia Manila at Kapamilya Outsider.

Mabilis itong pinag-usapan at daang libo sa mga nakakita nito ang siyang nag-react ng laughing emoji sa post.

Kabilang din sa larawan ang artistang sina Anne Curtis at Danica Sotto na kilala ding malalapit na kaibigan ng mag-asawa.

CJ Jaravata | Facebook

CJ Jaravata | Facebook


Ang aktres naman na nasa braso ni Doug ay si CJ Jaravata. Bago pa man matapos ang halakhakan at mabigyan ng malisya ang naturang larawan, nilinaw na agad ni CJ na may asawa na siya at wala siyang balak agawin o landiin ang asawa ni Cheska.

Sa katunayan, kalapkip ng mga larawang ito ang kaniyang birthday greeting para sa kaibigang si Cheska.

CJ Jaravata | Facebook

CJ Jaravata | Facebook


Narito ang kanyang tugon ng kuhanin ni Ogie Diaz ang kanyang pahayag:

"Ang story po niyan, we were doing a get-together because ikakasal po ako at lilipad po ako sa El Nido for my wedding sa November 20. So kasal na po ako, guys, so wala po akong balak landiin si Doug or anything like that."

Si CJ ay matalik na kaibigan nila Cheska at naging maid of honor pa sa kasal ng dalawa.

CJ Jaravata | Facebook


CJ Jaravata | Facebook