Girl bestfriend na si Shaira Mae bumwelta kay Jorryme: "Sobra ka na. Nagsuffer din ako!" - The Daily Sentry


Girl bestfriend na si Shaira Mae bumwelta kay Jorryme: "Sobra ka na. Nagsuffer din ako!"




Mainit na pinag-uusapan parin ngayon ang nag viral na isyu tungkol sa pagkasira ng kasal at pagsasama ng bagong mag-asawa na sina Jorryme Vodisek at foreigner na asawa nito na si Ales Vodisek.


Kaliwa't kanan ang natanggap na pagbatikos ni Shaira Mae Boyonas, ang girl bestfriend ng foreigner na sinasabing puno't dulo umano ng pagkasira ng lahat.  


Ibinulgar ni Jorryme sa kanyang post kung paano sinira ni Shaira Mae ang kanilang kasal sa mismong araw na idinaos ito, kung saan inimbitahan din siya bilang siya lang umano kakilala at ang pinakamalapit na kaibigan ni Ales. 




Ipinatanggol rin ni Shaira ang sarili sa mga paratang at mga panghuhusga sa kanya ng karamihan, pinasinungalingan niyang wala siyang ginawang masama para masira ang relasyon ng bagong mag-asawa.  


Inamin din niyang meron silang nakaraan ni Ales pero hanggang doon nalang din daw yon, ang ginagawa niya lang ay dahil isa siyang kaibigan at walang malisya kung gaano man sila kalapit ni Ales.


"Ako bilang kaibigan, ginawa ko lang kung ano ang dapat gawin. Kagaya lang nung kasal nila. Yes, yong mga pictures sa sinasabin ninyong mas sweet pa kami ni Ales, yun kasi ang utos din sa aming ng photographer at ginawa lang din namin at wala ng iba pa," salaysay ni Shaira sa kanyang panayam sa istasyon ng pulis. 




"Hindi niyo alam kung ano talaga ang totoong nangyari. Dapat makinig kayo at wag kayong manghusga ng tao. 


"Yes, nagsama na kami niyan ni Ales before pa niya makilala ang babae. At yang mga videos na ginawa niyong memes, magkakakilala na kami ni Ales niyan bago pa man niya makilala ang babae. Wag kayong gumawa ng ganyan kasi hindi yan totoo," 


Naglabas din siya ng saloobin para sa mga netizens na nagsshare ng mga ginagawang katatawanan ang dati nilang mga videos kasama si Ales. 


"Iba-iba tayo ng opinyon, account niyo yan at sarili niyo yang privacy at may karapatan kayo kung ano ang gusto niyong gawin, pero sana pakinggan niyo rin ang isang panig, hindi lang yong isang side. Alam ng Panginoon. Ginawa ko ang lahat mula pa noong una,"



"At sana, itigil niyo na ang pagpopost ng mga memes. Wala kayong narinig sa akin na pangit na salita kasi hindi ako iskandalusa na tao."


Bumwelta rin siya sa mga ginagawa at pinagpopost ni Jorryme laban sa kanya. Aminado siyang may kasalanan siya ngunit tila sumusobra si bride.


"Jorryme sana masaya ka ngayon na, napahiya niyo na kami. Wala kang matibay na ebindensya kung anong ginagawa namin ni Ales. Puro ka lang selos dapat sinabi mo na sa akin noon pa na hindi mo ko gusto," 


Alam ko, kasalanan ko din. Tao lang din ako, patawarin mo ako pero sobra ka na din. Dahil sayo nadamay ang anak ko. Siguro di ka makarelate kasi wala kang anak. 




I know nag suffer ka ngayon, pero sana isipin mo rin na nag suffer din ako, social media kasi yan. At sa mga threats, alam niyo na kung ano man mangyari sa akin, alam at kilala niyo kung sino. Sana tumigil na kayo.  


***

Source:  Aldrin P

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!