Kris Aquino, 'hindi pa rin daw natitigil ang habit na mag-online shopping kahit nakaratay na' - SNN - The Daily Sentry


Kris Aquino, 'hindi pa rin daw natitigil ang habit na mag-online shopping kahit nakaratay na' - SNN








May bagong update na naman ang Showbiz Now Na! hosts sa mga kaganapan sa buhay ni Kris Aquino na hanggang ngayon ay patuoy na nagpa-pagamot sa Amerika para sa kanyang kakaibang karamdaman na autoimmune.
 
Ayon sa isa sa hosts na si Morly Alinio, sa kabila daw ng sakit ni Kris ay nagagawa pa rin daw ng aktres na mag-online shopping.

 
"Nasa ospital na't lahat si Kris, pero hanggang ngayon hindi pa rin matigil-tigil 'yung iba't ibang kwento tungkol sa kanya. 'Yung latest i-correct niyo ako kung ako ay nagkakamali pero ito po yung nakarating lang na balita sa amin. Hanggang ngayon daw po kahit nakaratay na sa hospital si Kris Aquino hindi pa rin daw po natitigil ang habit nito kao-order ng mga items online," pahayag ni Morly

 
Larawan mula sa Google



Sey naman ni Cristy Fermin, alam naman daw ng buong mundo na mahilig talaga sa mga mamahaling kagamitan si Kris.
 
"Alam mo dahil siya si Kris Aquino, pinagpipistahan siya. Ikalawa, dahil sikat na sikat siya, talagang hindi siya patitigilin ng mga ganitong kwento. At ikatlo, alam naman kasi ng buong mundo na si Kris Aquino ay mahilig talaga sa mga kagamitan na branded," ani Cristy na isa rin sa host ng Showbiz Now Na! *


Sana raw ay may patakaran sa ospital na huwag muna payagan si Kris na mag cellphone upang maka focus sa pagpapagaling ang aktres.
 
"Wala bang batas sa ospital na 'yun na bawal muna siyang mag-cellphone.'Wag muna siya 'di ba? paano siya gagaling kung naka-concentrate siya sa cellphone niya?" ani Wendell
 
"Nakakapagbuo tuloy siya ng materyales na ipino-post niya na pinanggagalingan na naman po ng kung ano-anong isyu," ayon naman kay Cristy
 
Samantala, nitong Agosto 20 lang din ay nagbigay ng update tungkol sa kalusugan ng aktres ang panganay na kapatid ng mga Aquino na si Ballsy.
 
Ani Ballsy,  apat na ang autoimmune disease na ang nilalabanan ngayon ng TV host.
 
“When she left, she had two autoimmune diseases. I think now there are four.” pahayag ng panganay na kapatid ni Kris
 
Patuloy pa rin daw sa pagtuklas ng tamang gamot ang medical team ng TV host para sa karamdaman nito dahil hind epektibo ang iba dahil sa dami ng allergies nito. 

 
“Unfortunately, they’re just still trying to give her the right treatment, the correct treatment.
 
“She has so many allergies, that all the medicines that they’ve been trying haven’t been working or maybe they did, but then the side effects, they were not too happy about because, as I said, she has so many allergies—from food to the plants to medicines."  Pahayag ni Ballsy