Ito na pala ang buhay ni Gio Alvarez ngayon, ang dating sikat na aktor na iniwan ang pag-arte - The Daily Sentry


Ito na pala ang buhay ni Gio Alvarez ngayon, ang dating sikat na aktor na iniwan ang pag-arte



 

Larawan mula sa gmanetwork

Si Giorgio Pietro Verano Alvarez o sumikat sa pangalang Gio Alvarez ay ipinanganak noong November 18, 1976 sa Mandaluyong City.


Si Gio ay nakatatandang kapatid ni Gia Alvarez na dati ring aktres noong dekada nobenta.


Matatandaan na aktibong aktor sa mga pelikula at programang pang-telebisyon si Gio noong 90's.


Si Gio ay nagsimulang umusbong ang karera sa showbiz noong mapasali ito sa grupo ng "Ang TV", isang youth-oriented comedy show sa ABS-CBN.


Kasama noon ni Gio sa programa ang mga naglalakihang pangalan sa industriya katulad nila Jolina Magdangal, Claudine Bareto, Angelica Panganiban, Patrick Garcia, John Prats at marami pang iba.

Larawan mula kay Gio Alvarez

Larawan mula kay Gio Alvarez

Sa edad na 17 ay napasali din si Gio sa kanyang kauna-unang proyekto sa pelikula na pinagbidahan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta na pinamagatang 'Hihintayin kita sa langit'.


Noong dekada nobenta ay maswerte rin na napabilang si Gio sa sikat na sitcom na Home Along Da Riles, dito ay gumanap siya bilang si Bob na isa sa mga anak ni Kevin Cosme na ginampanan naman ng yumaong comedy king na si Dolphy.


Dahil sa ibat-ibang natanggap na proyekto ni Gio ay lalo pa itong nahubog sa pag-arte at tuloy-tuloy na ang kanyang mga naging proyekto kasama ang mga bigating artista.

Larawan mula sa PEP

Larawan mula sa PEP

Ayon kay Gio, marami umano siyang nais gawin sa kanyang buhay ngunit ang pag-aartista umano ang lagi niyang binabalik-balikan.


“Madami na rin akong natutunan. Growing up marami na rin akong gusto at puwedeng gawin pero walang kasing gusto sa pag-arte at sa pagki-create ng films or shows. I guess this is [what] I really want to do,” ayon kay Gio.


Taong 2018 ay tila nag-iba na ng landas si Gio at binitawan na ang kanyang karera sa showbiz at nag-focus na nalang ito sa kanyang asawa at mga anak.


Ayon sa balita ay mayroon na siya ngayon limang anak sa kanyang asawa na si Jayvie Agojo na isang professional na golfer.

Larawan mula kay Gio Alvarez

Larawan mula kay Gio Alvarez

Ayon kay Gio, ang pagkakaroon umano ng pitong miyembro sa pamilya ay isang malaking biyaya.


“Seven members in a family is already a great blessing, Our family is perfect.” ayon kay Gio.


Sa kasalukuyan ay mayroon negosyo si Gio bilang parti ng isang production company kung saan ay gumagawa sila ng mga pelikula at mga TV show.


Kasama nito sa nasabing kumpanya ang mga dating kasabayan nito sa showbiz na sina Paolo Contis, KC Montero at Ding Dong Dantes.


***