Sa edad na 51, Smokey Manaloto, nakakaantig na ibinahagi ang pagiging ama sa unang pagkakataon. - The Daily Sentry


Sa edad na 51, Smokey Manaloto, nakakaantig na ibinahagi ang pagiging ama sa unang pagkakataon.



Tila nasa alapaap ngayon ang pakiramdam ng beteranong aktor na si Smokey Manaloto dahil sa ibinahagi nitong "something big" na nangyare sa kanyang buhay.

Hindi na lang kasi sa palabas o sa pelikula nito gagampanan ang pagiging tatay dahil sa wakas ay magiging ganap na siyang ama sa tunay na buhay.




Si Smokey at ang kanyang non-showbiz partner ay biniyayaan ng isang malusog na lalakeng sanggol nitong Agosto 4 at pinangalanan nila itong "Kiko".

"Sabi nila, wala ka nang pag-asa! Sabi nila, huli ka na sa biyahe! Akala ko huli na, hindi pa pala. Eto na yung something big na nangyari sa 'kin!" pagbungad nito sa nakakaantig na video tungo sa pagsalubong sa kanilang bagong silang na sanggol.



@smokeymanaloto | TikTok

                                                                                                          @smokeymanaloto | TikTok

Base sa higit tatlong minutong video na ibinahagi ni Smokey, nalaman nila na nagdadalang tao ang partner nito noong Desyembre 2021.

Agosto 2 naman nang isugod sa ospital ang partner ng aktor. Aniya, hindi siya pinayagang manatili sa labor room kaya't sa video call na lamang niya nalalaman ang sitwasyon ng nangangnak niyang partner.

At eksatong alas-dose raw naman ng madaling araw (August 4),

@smokeymanaloto | TikTok

                                                                     @smokeymanaloto | TikTok

pinababa si Smokey sa delivery room upang masilayan ang kanyang 'first baby'.

"Ladies and gentlemen, we would like you to meet our 'Kiko' Manaloto," caption nito.

Bakas sa mukha ng firt-time daddy ang saya habang tangan-tangan at hinehele nito ang kanyang anak.

Bago naman ang pagbabahaging ito, binigyang linaw ng aktor ang kanyang edad dahil napapabalitang ito ay 44 taong gulang pa lamang.

"Nakakatuwang mabasa na ang edad ko pala sa internet ay 44. 51 na po ako,"

"Kahit na gustuhin ko man...Baka magalit sa akin ang mga netizens.Hehehe...#51not44" Ani Smokey.

@smokeymanaloto | TikTok

@smokeymanaloto | TikTok