Kliyente, inireklamo ang pangit na serbisyo ng kilalang Banko: "Gano kayo ka safe? May nalalaman pa kayong we find ways!" - The Daily Sentry


Kliyente, inireklamo ang pangit na serbisyo ng kilalang Banko: "Gano kayo ka safe? May nalalaman pa kayong we find ways!"




Hindi na bago ang mga pangyayaring transaksyon na nananakawan ang mga account holder at mga depositor sa mga banko ng kanilang pinaghihirapang pera dahil sa mga naglipanang panloloko online na nakukuha ang kanilang mga security log-ins   ng hindi nila namamalayan. 


Ngunit ang masaklap pa, ikaw na nga 'tong biktima, nakakaranas ka pa ng hindi magandang serbisyon mula sa mga empleyado ng banko. 


Ibinahagi ni Maverick Leandro Lim Padpad ang karanasan niya nang may isa umanong 'unauthorized transaction' na nakarecord sa kanyang online banking account ng Banco de Oro o BDO.


"Lunch time nung nag withdraw ako nang 2k . Pag check ko nang receipt 1k nalag remaining balance pano? Eh 15k laman nun??," aniya sa Facebook post.




Agad naman daw niya itong isinangguni sa branch ngunit dumagdag pa sa kanyang problema sa kung paano daw siya tinrato ng empleyado ng nasabing institusyon.


Hindi nasiyahan si Maverick sa tila walang sistema at magulong paghawak ng banko sa concern niya at sa kanya bilang isang customer na tumagal ng ilang oras para lang sa isang form na ilang minuto niya lang natapos sagutan. 


"4:45 nako na assist binigyan lag ako nang form wala pa 5 mins tpos na ang transaction nag fill out lag naman pala ako nang form p***** i** nyo pinahintay nyo pa ako from 1 pm hanggang mag 5 pm?," pagkukwento niya.


"So anu? Ano point nyo bdo??? Na hindi priority ang transaction ko? 😤😤😡Kaya nga ako nag ask at the 1st place kung need kung kumuha nang number para ma assist."


"Mayron pa kayong nalalaman na we find ways!" dagdag ni Maverick 


Narito ang kabuuan ng kanyang post: 


Be Aware ‼️‼️‼️‼️


Lunch time nung nag withdraw ako nang 2k . Pag check ko nang receipt 1k nalag remaining balance pano? Eh 15k laman nun?? So nag try ako muna mag check sa bdo online app bakit 1k nalag natira then badtrip pa may error sa app🤬 (1st pic below) 



so nag try ako dun sa web mismo hindi sa app naka system maintenance pala, naghintay pako konti kumain pa kami nang lunch nang kasama ko then nag check ulit ako after 30 mins ata nung pag check ko may worth ₱11,366.88 na Unauthorized transaction.


binasa ko ma igi yung description (2nd pic below) nakalagay POS tpos US pa? Anu yun pumunta ako sa US nag swipe sa POS tas umuwi nang pinas at the same day?? 


Ok nung nalaman ko pumunta kami agad sa bdo sm city yung luma sabi nung babae dun di nya daw ako ma help kasi di dun branch ko so lumipat kami sa kabila sa bago sm city padin kasi dun ako nag open nang account yes po payroll account po to hindi personal pero kami yung nag open. 



now nung andun na kami sa bdo nag tanong lag ako san ba ako pwedi mag complaint about unautorized transaction binigyan ako papel na may toll free nang bdo tumawag lag daw ako dun tas tinuro ako sa telepono nila. 


nakausap ko yung customer service nang bdo nag advice sakin na e block yung card then binigyan ako reference number para daw sa card replacement ang another reference number para sa dispute pero since nasa branch narin naman daw ako mag pa request nalag daw ako replacement for card and mag fill out nang dispute form, 


ok tas nag tanong ako dun uli sa desk sabi sakin upo kalag sir tatawagin kalag namin may ina assist pa kasi so sabi ko need koba kumuha nang number sabi nya wag na daw po tatawagin lag ako past 1 pm na yun. 


mga 2:30 lumapit samin yung officer nag taning anong transaction nmin sinabi ko sakanya na may unauthorized transaction tas sinabi nang cus service na mag pa replace nang card sabi nya ah ok cge sir wait lag daw ako unahin lag daw yung mga me number kasi wala naman daw akong number.


sabi ko need koba sir kumuha nang number  para naman ma assist ako sabi nya wag na sir wala nadaw number sabi ko kasi sir me trabaho ako para sana malaman ko kung mahaba pa para bblik lag ako tas sabi nya sir wait kalag marami pa naka pila tinuro pa yung mga nakapila mga 5 lg naman. Tas eto matundi sabi nya hindi naman yan account opening yung transaction nyo card replacement lag naman yan….  


So anu? Ano point nyo bdo??? Na hindi priority ang transaction ko? 😤😤😡Kaya nga ako nag ask at the 1st place kung need kung kumuha nang number para ma assist.


Tpos 4:45 nako na assist binigyan lag ako nang form wala pa 5 mins tpos na ang transaction nag fill out lag naman pala ako nang form p***** i** nyo pinahintay nyo pa ako from 1 pm hanggang mag 5 pm? Para sa fill out lag nang form edi sana binigay nyo na una palag at pina fill out nalag at ipapasa ko nalag paki explain bdo? 


At nung sabi nung lalaki na wala nang number ???excuse me may pumasok pa po na customer around 3:20pm nabigyan pa nang number kasi yung transaction nya account opening . Sakin kasi hindi account opening walang number.


Resolution nang bdo under investigation for 10 banking days daw which iba sabi nang customer service na 5 banking days lag. Meron ako PNB yung BPI ko payroll din for 5 years at meron din personal savings di ako nag ka issue.


Nag tratrabaho ako sa bpo lalo na sa telco dati alam ko yang modus sa scam at fraud never ako nag click nang mga unsuspicous na email or nag fifill out nang mga form or nag rereply sa mga text never din ako naka rcv nang email or text like otp. 


Tas matindi nag dig ako konti sa BDO marami na palang case na ganito na di nareresolve nyemas gano kayo ka safe? Bdo? Kun di lag to payroll account ipapa close ko na to 


Mayron pa kayong nalalaman na we find ways! 


Alert kayo lagi nyo e check balance nyo or transaction history nyo baka ma biktima din kyo nang unautorized  transaction

BDO Unibank

#Frau dAwareness

#Sca mAlert


***

Source:  Maverick Leandro Lim Padpad

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!