Kambal, parehas nang nagtapos na summa cum laude, parehas pang 16th placer sa board exam - The Daily Sentry


Kambal, parehas nang nagtapos na summa cum laude, parehas pang 16th placer sa board exam





Tunay ngang wala nang mas sasaya pa para sa isang magulang na makita ang kanyang anak na tumungtong sa entablado at kunin ang kanyang diploma sa araw ng kanyang pagtatapos. 


Ngunit ang malaman na dalawa sa anak mo ang hindi lang basta magtatapos kundi kapwa pa nagkamit ng pinakamataas na parangal, ay tiyak na isang napakalaking biyaya na maituturing para sa mga magulang. 





Ganito ang naging tagpo sa isang unibersidad sa Batangas nang magtapos ang kambal na parehong nakakuha ng pinakamataas na parangal o latin honor na summa cum laude.


Dobleng tagumpay ang nakamit ng pamilya nina Denise at Bernise Catuncan, matapos silang parehas na magtapos bilang mga summa cum laude sa kursong Bachelor of Science in Accountancy sa BSU o Batangas State University (Nasugbu Campus).




Nagtamo ng average na 1.22 si Denise, samantalang ang kakambal naman nyang si Bernise ay nakakuha ng average na 1.24, dahilan upang kilalanin sila bilang kauna-unahang kambal sa kasaysayan ng BSU na nagtapos na summa cum laude.


Bunso sa limang magkakapatid ang kambal na Catuncan. Ang naturang kambal ay ulila na rin sa kanilang ama kaya naman mag-isa lang ang kanilang ina na nagtaguyod sa kanila.





Pinalaki at inaruga sila ng kanilang solo parent na inang si Gng. Bernardita Catuncan na isang part-time Broker.


“We lost him, pero sinabi ko, I’m going to find a way to raise you all, to become a good person as all you are today”, ika ng ina ni Denise at Bernise.


Paliwanag ng dalawa, upang hindi raw mahirapan ang kanilang ina sa pagsuporta sa kanilang mga gastusin sa pag-aaral ay isinantabi raw muna nila ang kanilang mga pangarap na kursong Architecture at Chemical Engineering.



Ibinahagi rin ng kambal ang suliranin na kanilang pinagdaanan, lalo na sa aspetong pinansyal, noong sila ay nag-aaral pa. 


“Sobrang hirap po talaga, as in dumadating po kami sa point na mangungutang ganon po. Tapos yun, parang umaasa po kami lagi sa scholarship po talaga namin”, pahayag ni Denise.


“Actually, mahirap po siya pero dahil po sa humihingi din po kami ng guidance kay Lord. So, hindi niya po kami pinapabayaan”, dagdag naman ni Bernise.


Sa talumpati ni Bernise ay inilarawan niya ang kapatid na si Denise bilang best study buddy at higit sa lahat ay pinasalamatan rin niya ang sakripisyo ng kanilang nanay para sa pagtataguyod nito sa kanilang mga magkakapatid.




Mensahe naman ng kambal sa kanilang yumaong Ama, “Kung nakikita mo kaming dalawa ngayon, miss na miss ka na namin”, umiiyak na wika ni Bernise.


“Papa, para sa iyo lahat ng na-achieve namin” naka ngiti namang saad ni Denise.


Ang sumunod na inatupag ng dalawa pagkatapos ng kanilang graduation ay ang paghahanda sa kanilang Board Exam upang pawang maging ganap silang Certified Public Accountants. 


Nagtrabaho rin ang dalawa habang nagre-review upang makatulong sa kanilang pamilya bago muling mag-aral ng Law.


At nang lumabas na nga ang resulta ng board exam ay laking gulat ng dalawa nang makita ito dahil bukod sa pareho silang nakapasa sa napakahirap na pagsusulit, ay parehas pa silang 16th placer. 


Kinilala ng kanilang alma mater ang naging tagumpay ng kambal na sya ring nagbigay karangalan sa kanilang dating paaralan. Lalo pang naging espesyal para sa BSU ang nakamit na tagumpay ng dalawa dahil sila umano ang kauna-unahang board passers na nagmula sa naturang unibersidad na kapwa nakakuha ng pwesto sa top 20. 


Pinagkalooban ang kambal ng kanilang LGU o Local Government Unit ng P10,000 each bilang pasasalamat sa kanilang ipinamalas na karangalan.




Samantala narito naman ang Facebook post ni Bernise:


#twingoals
#twinCPAs
#twinLaudes

Bernise Catuncan, CPA
Denise Catuncan, CPA

We made it! Thank you Lord 

Let me just express my warmest and sincerest appreciation to our very supportive family, Mama Gigi, Papa Alex , Kuya Ycky, Alee, Exan, ate Nicole, kuya Lou, kuya Jank, ate Abs. To my titas and titos, esp tita Loy and to our other relatives who really helped us along the way, a million "thank yous" would never be enough for your never ending support, for the constant prayers you have given and for the boundless love you have fostered. We are truly blessed to have you as our family 

To our dear mentors and professors, CPAR family and BatStateU-ARASOF, to my former high school and elementary teachers, thank you so much for molding our minds and characters to be these so called "young professionals" 

To my special someone (Mark Nhiel) thank you so much not just for the love but for believing in me, for always believing that I can make it. And I just made it ☺️ Congrats to the both of us!
WE LOVE YOU ALL!!!
And ofcourse to our dearest Almighty God, Lord thank you so much for everything. All Glory are Yours! 

#2018CPAs