Larawan ni Chris mula sa post ni Ma'am Juliet Justo |
Ika nga sa kasabihan, “don’t judge the book by its cover”.
Ito rin ang kasabihang tugma para sa lalaking nag viral sa social media matapos siyang mapag kamalan na “taong grasa” dahil sa hitsura niya at kanyang pananamit nang siya ay magtungo sa isang paaralan, sukbit sa kanyang likod ang tila sako na may laman.
Noong una ay inakalang palaboy ito, ngunit namangha ang mga guro ng isang paaralan nang malaman nila na namimigay pala ang lalaki ng mga pangkulay o krayola para sa mga mag-aaral.
Larawan ni Chris mula sa post ni Ma'am Juliet Justo |
Ayon sa post ng guro na si Ma’am Julliet Justo, ang “good Samaritan” ay si Chris na labis niyang pinasalamatan sa pagmamalasakit nito sa mga estudyante.
Larawan ni Chris mula sa post ni Ma'am Juliet Justo |
Naging emosyonal ang mga guro ng Calizo Elementary School sa Balete, Aklan nang kanilang matanggap ang munting regalo ni Chris para sa mga bata, na noong una daw ay inakala nilang “taong grasa” dahil na din sa hawak-hawak nitong sako. *
Naghandog si Chris ng 80 kahon ng krayola para sa mga mag-aaral ng elementarya sa Calizo.
Maliban pa dito, ay mayroon pang 80 kahon naman na krayola para sa mga mag-aaral ng high school.
Larawan ni Chris mula sa post ni Ma'am Juliet Justo |
Ayon pa sa ulat ng Balita, ang perang pinang bili ni Chris ng mga pang kulay ay mula umano sa kanyang ipon sa loob ng dalawang taon.
At para madagdagan ang kanyang ipon ay nanghingi din ang good Samaritan ng tig-limang piso sa kanyang mga kakilala.
Larawan ni Chris mula sa post ni Ma'am Juliet Justo |
Sana ang halimbawang ito ay maging aral sa iba, na huwag agad mang husga base sa anyo ng taong kaharap.