Noong hindi pa naiimbento ang internet at mga cellphone, maituturing na pangunahing libangan ng mga tao ang panonood ng palabas lalo na ang komedya, dahil na rin sa likas na pagiging masiyahin ng mga Pilipino.
Hindi mawawala sa isang araw ang pagtitipon tipon ng bawat miyembro ng pamilya para panuorin ang kanilang paboritong palabas sa telebiyon.
Isa nga sa ating mga hinangaan at kinagiliwan ang nag-iisang pambansang baba ng Pilipinas na si Babalu.
Pablo Martin Sarmiento (June 29, 1942 – August 27, 1998) sa tunay na buhay, binansagan itong Babalu dahil sa taglay na haba ng baba. Siya'y lumaki sa Sampaloc, Manila kapiling ng kanyang lola, ina at mga kapatid.
Noong kanyang kabataan, kumikita siya ng extrang pera sa pamamagitan ng pagbubuhat ng gamit at damit ng kanyang tiyuhin na si Panchito Alba. Ang tanyag at original sidekick ng King of Comedy na si Dolphy.
Babalu | ctto Facebok Public Photos
Babalu | ctto Facebok Public Photos
Nagsimula naman ang pagaartista ni Babalu nang ito'y lumabas sa TV show na "Buhay-Artista" noong dekada 60. 2 taong makalipas ay nakasali na rin ito at napanuod sa pelikulang "The Big Broadcast" noong 1962.
Ngunit ang husay nito sa pagiging komedyante ay nadiskubre ni Dolphy. Hanggang sa minana na niya ang papel ng kanyang nasirang tiyuhin na si Panchito bilang sidekick sa mga palabas ni Mang Pidol.
Bukod sa kanilang mga pelikula at palabas sa telebisyon. Pinagbidahan din nito ang mga palabas na Home Along Da Riles at Oki Doki Doc noong 1990's. Nailathala rin ang istorya ng kanyang buhay sa programang Maalaala Mo Kaya noong 2003 at pianamagatan itong "Imahe ng Berhen"
'Tataynic' at 'Tong Tatlong Tatay kong Pakitong-kitong' naman ang kanyang huling 2 pelikula bago ito tuluyang mamaalam.
Babalu | ctto Facebok Public Photos
March 1998 noong taningan ang buhay ni Babalu dahil sa sakit na Liver Cirrhosis ngunit nilihim niya ito sa lahat partikular na sa malapit na katrabaho noon nito na si Aga Muhlach na siyang nalaman din naman ng aktor kalaunan.
Napagdesisyonan ng mga ito na magpunta sa Michigan, USA para magpasuri sa ibang doktor ngunit pareho lang ng resulta. Mayroon na lamang 6 na buwan si Babalu para mabuhay at minabuting umuwi na lang ito sa Pilipinas.
2 buwang matapos ang ika-56 na kaarawan nito. Binawian ng buhay ang aktor sa kanyang tahanan sa Antipolo City at inilagak ang mga labi sa Loyola Memorial Park sa Parañaque.
Naulila ni Babalu ang asawa nitong si Lalaine Sarmiento at dalawang anak.
Magpasahanggang ngayon ay buhay na buhay pa ang ilang mga "iconic lines" at larawan nito sa internet at siyang patuloy na nagbibigay ngiti at tuwa sa mga Pilipino.
Babalu | ctto Facebok Public Photos
Source: Facebook