Ruffa Gutierrez, binatikos matapos magmura sa isang segment ng It's Showtime - The Daily Sentry


Ruffa Gutierrez, binatikos matapos magmura sa isang segment ng It's Showtime




Inulan ng batikos ang isa sa pinakapinaguusapan ngayong aktres na si Ruffa Gutierrez matapos siyang magmura sa gitna ng programa nila sa It's Showtime kung saan isa siya sa mga guest host sa segment nitong 'Di Ba Teh'.

Sa umereng episode ng noontime show noong August 9, nagtrending ang actress/host matapos niyang makapagbitaw ng 'bad word' habang nakikipagkulitan kina Kaladkaren Davila at Jugs Jugueta na kapwa niya mga host.

Nangyari ito matapos siyang i-introduce ni Kaladkaren at pansinin ang kulay ng kanyang kasuotan.

"Ang ganda niya daw ngayon, nag-pink siya," ani ni Kaladkaren matapos ipakilala si Ruffa.



Sa sobrang tuwa naman ni Ruffa ay nabitawan niya ang salitang "g@ga".

Nagulat ang kanyang mga kasama at napa-'huy' na lang kaya tila sinubukan ni Vice Ganda na magpalusot at sinabi na lamang nito na ang paboritong singer kasi ni Kaladkaren ay si 'Lady Gaga'.


Dahil sa pangyayari, humingi ng paumanhin si Vice Ganda sa nasambit na mura na ipinagbabawal sa kanilang programa. Hinimok din niya ang kapwa host na si Ruffa na mag-sorry na lang.

"Nag-aapologize po kami sa dun sa nabitawang word ni Ruffa Gutierrez. Masyado lang siyang happy. Mag-sorry ka na din Ruffa," pahayag ni Vice.

"Why bawal ba 'yon? Oh, I'm so sorry. I didn't know. I'm so sorry," sagot ni Ruffa kung saan inamin niya na hindi niya alam na bawal pala ang nasabing salita sa kanilang show.

Matapos ito, hinimok ng ilang tagasubaybay ng It's Showtime sa Twitter na palitan ang actress bilang guest host sa naturang show.

"Bakit kasi andyan pa sya? Dami namang mas ok na maging judge," pahayag ni @iamkarla.

Ayon naman kay @jeysea_: "Mga teh wala na bang pwede isalang na hurado? ang dami daming mas may sense dyan at mas relatable sa madlang pipol naglalagay kayo ng tone-deaf at out-of-touch sa realidad. Hindi kami natutuwa sa presensya ng pag iinarte niya araw araw sa screens namin."



Dagdag pa niya, "She doesn't even have the chemistry with any of the hosts let alone with hurados that come and go/get replaced from time to time. IRDK anong purpose why she's still there. Wala namang ka substance substance."

Samantala, matatandaan na si Ruffa ang gumanap bilang dating First Lady Imelda Marcos sa pelikulang Maid in MalacaƱang na binabatikos din ng ilan sa Twitter.


 

Source: 1