Tolits, malaki ang ipinagbago mula ng iwan ang showbiz. Ito na ang kanyang buhay ngayon - The Daily Sentry


Tolits, malaki ang ipinagbago mula ng iwan ang showbiz. Ito na ang kanyang buhay ngayon



Larawan mula sa gmanetwork

Naalala nyo pa ba ang dating sikat na child star noon na lubos kinahuhumalingan ng mga manunuod sa telebisyon dahil sa kanyang kaliwa't kanan na mabentang commercial ads na kanyang ginagampanan, walang iba kundi si Bernard Joecel Forbes o nakilala sa pangalang 'Tolits'.


Minsan napapatanong nalang tayo sa ating mga sarili kung nasaan na at ano na ang buhay ng mga ilang dating sikat na child star kung saan ay naghandog sila saatin ng kanilang taglay na husay sa pag-arte sa larangan ng showbiz.


Hindi naman lingid sa atin ang husay nila sa pag-arte kung kaya naman sa kabila ng kanilang murang edad ay nakakamangha na nakagawa sila ng kanilang sariling pangalan sa industriya ng showbiz.

Larawan mula kay BJ Forbes

Larawan mula kay BJ Forbes

Kaya naman muli nating balikan ang isa sa mga sumikat na child star noon kung saan ay makikilala mo pa kaya siya ngayon dahil sobrang laki na pala ng kanyang ipinagbago.


Ang dating child star noon na si Tolits ay isa na ngayong ganap na binata at may ilang pagbabago na nga sa kanyang buhay ngayon simula ng iwan ang kanyang karera sa pag-arte.


Naunang nakilala si Tolits taong 2008 sa kanyang sumikat na commercial noon na sikat na panglaba na Tide, kung saan siya ang batang cute at bibong lalaki na nagsasabi ng linyang "Laging ako.. Ako, Ako, puro nalang ako.."

Larawan mula kay BJ Forbes

Larawan mula kay BJ Forbes

Sa kanyang murang edad na lima ay nakuha na niya agad ang pansin ng mga manunuod dahil sa kanyang natural na talento sa pag-arte.


Dahil sa kanyang talento ay nagtuloy-tuloy ang pag-angat ng kanyang kasikatan sa industriya ng showbiz.  


Lumipas ang ilang taon ay tila tumamlay ang kanyang karera sa showbiz at unti-unti na itong nawala sa mata ng kamera.


Ayon sa balita, si Tolits ngayon ay isa ng ganap na ama sa kanyang dalawang buwang anak na babae at proud itong ibinahagi sa kanyang social media account.

Larawan mula kay BJ Forbes

Larawan mula kay BJ Forbes

Hindi naman niya ito inilihim sa mga tao at sa katunayan nga ay naging bukas si Tolits sa kanyang buhay sa social media at ibinahagi niya dito ang mga larawan kung saan kasama niya ang kanyang binuong pamilya.


Ipinapakita ni Tolits kung paano niya ini-enjoy at ginagampanan ang pagiging ama kahit na medyo bata pa ang kanyang edad para maging tatay.

Larawan mula kay BJ Forbes

Larawan mula kay BJ Forbes

Sa ngayon ay masaya si Tolits sa kanyang limang taong relasyon sa kanyang nobya at lalo pa ngang tumibay ang kanilang samahan nang dumating ang kanilang anak na babae.


***