Proud ang isang ina dahil nag-uwi ang kanyang anak ng lapis at krayola ng classmate - The Daily Sentry


Proud ang isang ina dahil nag-uwi ang kanyang anak ng lapis at krayola ng classmate



 

Larawan mula kay Len N Tim

Inulan ng samu't-saring negatibong reaksyon mula sa mga netizen ang post ng isang ina kaugnay sa unang araw ng kanyang anak sa pagbabalik paaralan nito lamang Lunes August 22, 2022.


Nag-trending ang post ng isang ina na si Len N. Tim matapos niyang ibahagi sa kanyang Facebook account na dumami umano ang gamit pang-eskwela ng kanyang anak nang umuwi ito mula sa school.


Ayon kay nanay Len, proud umano siya sa kanyang anak dahil pumasok ito sa paaralan na iisa lamang ang dalang lapis pero nang umuwi ito ay tatlo na at ang kanyang dalang krayola ay madami rin ang nadagdag.

Larawan mula kay Len N Tim

Larawan mula kay Len N Tim

"Nakaka proud yung anak ko. Sobrang Masinop sa gamit.  Pumasok na isa lang ang dalang lapis pag uwi nya tatlo na. Tapos yung crayons na pinadala ko 8 pcs lang naging 12 pcs na,"
ayon sa post ni Len.


Hindi rin daw umano alam ni mommy Len kung bakit na-very good ang kanyang anak sa school dahil wala naman daw bawas ang krayola nito at mukhang hindi nagalaw.


"Hindi ko alam bakit na very good to sa color color kasi mukhang walang bawas yung crayola nya parang di ginamit. Kumpleto pa gamit nya nung inuwi nya," dagdag nito.


Isang araw matapos umani ng negatibong reaksyon mula sa mga netizen ang post ni Len ay ipinaliwanag nito na nasabihan na umano niya ang kanyang anak na huwag na ulit mag-uuwi ng gamit na hindi kanya.


"Dahil madaming perfek at triggered na ina dyan. nasabihan na yung bata una very good sya sa pagiging masinop at hindi pagiging Burara.  Pero inexplain ko na wag sya mag uuwi ng di nya gamit. Tandaan nya mga gamit nya," sabi niya.


"Natuntun na ng aming team ang may ari ng apat na pirasong crayola kaya pwde na kayo matulog," hirit naman niya sa mga bumatikos sa kanyang post.


Basahin sa ibaba ang kanyang buong post:


"Nakaka proud yung anak ko. Sobrang Masinop sa gamit.  Pumasok na isa lang ang dalang lapis pag uwi nya tatlo na. Tapos yung crayons na pinadala ko 8 pcs lang naging 12 pcs na. Hindi ko alam bakit na very good to sa color color kasi mukhang walang bawas yung crayola nya parang di ginamit. Kumpleto pa gamit nya nung inuwi nya.


"Dahil madaming perfek at triggered na ina dyan. nasabihan na yung bata una very good sya sa pagiging masinop at hindi pagiging Burara.  Pero inexplain ko na wag sya mag uuwi ng di nya gamit. Tandaan nya mga gamit nya. 

Larawan mula kay Len N Tim

"Natuntun na ng aming team ang may ari ng apat na pirasong crayola kaya pwde na kayo matulog.


***