Larawan mula sa Wowowin |
Si Wilfredo Buendia Revillame o kilala bilang si Willie Revillame ay isang Filipino television host, singer, song writer, businessman, actor and comedian.
Si Willie ay ipinanganak noong ika-27 ng Enero taong 1961 sa tahimik na probinsya ng Nueva Ecija.
Inamin naman ni Willie na ang kanyang ama ay may kaya sa buhay at mahirap naman ang kanyang ina na naghiwalay rin sa kalaunan.
"Na-experience ko yung nakatira ako sa nanay ko na iba ang asawa. Nakatira ako sa tatay ko iba ang asawa. Babalik ako sa nanay ko iba ang asawa. Nabuhay ako ng halos ako mag-isa." kwento ni Willie.
Larawan mula sa Philstar |
Larawan mula sa Philstar |
Dahil dito ay natuto magbanat ng buto si Willie, at sa murang edad ay natuto siyang magtinda ng dyaryo at maging barker.
“Di ko nakakalimutan ‘yung Bustamante street. Barker ng jeep. Meycauayan-Malinta. Pagkatapos naglilinis ako ng jeep. Naglilinis ako ng jeep ‘yung krudo. Alam mo ‘yung lagayan ng mga langis, may basahan ako. Bibili ka sa palengke, ku-kruduhan mo ‘yung jeep.”
Hindi nagtagal ay nagpursigi si Willie hanggang madiskubre siya para pasukin ang mundo ng showbiz at ito na ang naging simula ng kanyang career.
Dahil sa natural na talento nito pagdating sa pagpapatawa at TV hosting ay bumulusok ang kanyang pagsikat sa larangan ng telebisyon.
Nagsimulang siyang magpundar ng sariling negosyo at mga ari-arian.
Dahil sa kanyang programa na Wowowin ay madami din siyang natutulungan at napapasayang mga tao.
Dahil dito ay naisip ni Willie na ibili ang kanyang sarili ng isang mamahaling regalo bilang handog nito sa sarili sa lahat ng pagod niya sa pagtatrabaho.
Larawan mula sa Wowowin |
Larawan mula sa Wowowin |
Larawan mula sa Wowowin |
Larawan mula sa Wowowin |
Larawan mula sa Wowowin |
Larawan mula sa Wowowin |
Larawan mula sa Wowowin |
Larawan mula sa Wowowin |
Larawan mula sa Wowowin |
Masayang ibinahagi ni Willie sa mga tao ang kaniyang pag-unbox ng kaniyang biniling sasakyang pang himpapawid na Helicopter.
Talaga nga naman nakaka-wow ang regalong ito ni Willie sa kanyang sarili dahil hindi biro ang presyo ng isang Helicopter.
Mapapansin na bakas ang tuwa sa mga mukha ni Kuya Wil habang binubuksan ang kanyang regalo sa sarili.
Kwento ni Willie hindi din naging madali sa kanya ang pagbili nito dahil kailangan muna niyang mag-enroll ng flying lesson at dumaan sa ibat-ibang proseso upang magkaroon siya ng otoridad na magkaroon ng sariling helicopter.
Banggit pa ni Willie, hindi lang umano pansariling gamit ito kundi magagamit din umano niya ito bilang paghahanda kung sakali man na kailanganin ng ating mga kababayan ng tulong tuwing may kalamidad.
Sadya nga na may pusong matulungin si Willie dahil sa lahat ng bagay ay iniisip pa rin nito ang maayos na kalagayan ng ating mga kababayan.
***