World renowned Singer/Songwriter na si Brian McKnight, isang Pinay pala ang napangasawa! - The Daily Sentry


World renowned Singer/Songwriter na si Brian McKnight, isang Pinay pala ang napangasawa!



Sinong magaakala na ang isang sikat na singer at songwriter na si Brian McKnight ay isang dugong pinay pala ang napangasawa?

Tama! Siya lang naman ang nagpasikat sa mga kantang Back at One, One Last Cry. Marry your Daughter at iba pa. Ngunit, sino nga ba ang maswerteng pinay na napangasawa nito?




Madalas ibida ng tanyag na singer ang kanyang asawa na si Leilani Malia Mendoza sa kanyang social media accounts. Maging sa mga concerts nito ay inaalayan niya ang kanyang mahal na asawa ng kanta.

Si Leilani ay isang Filipino-Hawaiian at anak nina Justin Kanoa and Kailani Carolina Mendoza.

Ayon sa balita, ang pamilya ni Leilani ay nagmula sa Plaridel, Bulacan. Ang kanyang ama ay nag-aral sa Pilipinas habang ang ina naman nito ay nagtapos sa Roosevelt University of Chicago.

Leilani McKnight | Facebook

Brian McKnight | Instagram


Matapos ang divorce sa unang asawa ni Brian na si Julie Mcknight, nagsimulang mag-date ang singer na si McKnight at si Leilani taong 2014. Makalipas ang dalawang taon ay naging engage na sila.

December 2017 naman nang ikasal sila sa Oheka Castle sa New York. Agaw-atensyon at talaga namang pinagusapan ang gown ng bride dahil sa 50,000 hand-beaded Swarovski crystals nito by Sabrina & Mannings.

Leilani McKnight | Facebook

Leilani McKnight | Facebook


Sa unang nakarelasyon ng pinay, nagkaroon ito ng dalawang anak na sina Julia(22-anyos) at Jack(19-anyos).

Si Leilani ay isang doctor, isa siyang Pediatric Neuro Physiologist. Nilinaw ito ni Brian Mcknight upang matapos ang espekulasyon na isa siyang nurse sa America.

Bilang isang doctor, endorser at sponsorships mula sa iba't ibang fashion brands at kumpanya, pinaniniwalaang aabot sa $10 Million Dollars ang kabuuang yaman ng dugong pinay na si Leilani.

Brian McKnight | Instagram

Brian McKnight | Instagram