Noong 2012, nakilala si Paula Jamie Salvosa bilang si "Amalayer," ang babaeng umeksena sa LRT at pinagpiyestahan ng puna at batikos matapos kumalat ang kaniyang video sa Internet at social media.
Sampung taon na ang nakakaraan nang mag-viral ang video ni Salvosa kung saan tinawag siyang “Amalayer” ng mga netizens dahil sa kanyang accent.
Balikan nating muli ang kwento ng nasabing video.
Noong November 13, 2012, nakuhanan sa video ang pagsigaw at pakikipagtalo ni Salvosa sa lady guard na si Sharon Mae Casinas sa LRT 2 Santolan station matapos umanong hablutin ang kamay nito dahil hindi niya nailagay sa x-ray machine ang kanyang bag.
Maririnig sa video ang mga salitang “I’m a liar? I’m a liar?”
Umabot noon sa 68k shares at 17k comments ang viral video.
Sa isang interview kay Salvosa, ikinuwento nito kung bakit naging ganun ang kanyang reaksyon.
Kwento ni Salvosa, unang nanigaw ang lady guard dahil hindi niya nailagay ang kanyang bag sa x-ray machine.
“Miss yung bag mo pakilagay sa x-ray machine. Nilagay ko naman po yung bag ko pero sabi ko muna sa kanya, ‘bakit kailangan mo sumigaw? You don’t have to shout at me,” kwento ni Salvosa.
At nang papunta na siya upang kunin ang kanyang bag, sinundan raw siya ng guard at tinanong “Miss anong problema mo?” sabay hablot umano sa kanyang kamay.
“Anong problema mo? Tara doon tayo sa office,” sabi umano ng guard.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Ngunit bigla umanong nagbago ang ihip ng hangin nang dumating ang head security ng LRT. Naging mahinahon at mabait na umano ang guard.
“Bigla na lang siyang naging maamong tupa,” sabi ni Salvosa.
Itinanggi daw ng guard na sinigawan siya nito at hinablot ang kanyang kamay. Ito ang naging dahilan ng pagsigaw ni Salvosa at pagsabi ng “I’m a liar.”
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
“Ngayon ako na yung mukhang masama, now I’m the bad person and ikaw na yung kawawa. Pano ko na ngayon eexplain sa lahat ng tao dito na ito yung totoong nangyari?” sabi ni Salvosa.
Dagdag pa niya, inutusan rin ng head of security ang lady guard na mag-sorry kay Salvosa ngunit sarkastiko umano itong humingi ng tawad at patuloy ang pagtanggi sa kanyang ginawa.
“Ang nakunan nalang po ng video is yung nagwawala na ako,” sabi ni Salvosa.
Sa kabilang banda, itinanggi ng lady guard ang mga paratang sa kanya ni Salvosa. Aniya, ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Sinabihan lang daw niya si Salvosa na ilagay ang bag nito sa x-ray machine ngunit tinaasan raw siya nito ng boses.
Nanatili pa rin daw siyang kalmado kahit na sinisigawan siya ng estudyante.
Aniya pa, tinakot rin daw siya ni Salvosa na ipapatanggal siya sa trabaho kapag hindi siya lumuhod at humingi ng sorry sa kanya.
“Pag hindi ako nag-sorry papatanggal niya ako. Pagluhod daw ako sa harap ng pasahero, yan gusto niya kailangan marinig ng pasahero,” sabi ng lady guard.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Itinanggi naman ito ni Salvosa at sinabing, “Sino ba ako para magpaluhod ng tao di ba? Sabi ko I want you to apologize to me in front of everybody sa LRT.”
Sinabi pa noon ni Salvosa na handa siyang sumailalim sa lie detector test upang mapatunayang nagsasabi siya ng totoo.
Sa isang interview kay Salvosa sa Youtube, ikinuwento nito ang mga hirap na kanyang pinagdaanan matapos mag-viral ang video.
Maraming pambabash at insulto ang kanyang natanggap. Natakot na rin siyang lumabas ng bahay dahil sa mga pagbabanta.
"Grabe ‘yung natanggap kong pangba-bash sa Twitter, sa Facebook. Parang [sabi nila] ‘pag nakita nila ako sa LRT, itutulak nila ako pababa ng train," sabi ni Salvosa.
Photo credit to the owner
“Parang meron doong umabot sa point na bastos na po talaga, na aanhin daw ako, basta bastos na po. Tapos pati parents ko, na [sasabihin nila] ‘kung ako ang parent mo, ikakahiya kita.’ Ganun. Yung masakit pa doon kasi, even mga artista, parang they were bashing me and judging me. Sabi ko, ‘paano ko ide-defend ‘yung sarili ko sa kanilang lahat?” dagdag nito.
Dumating pa sa puntong gusto na umano niyang magpapalit ng pangalan.
“I talked to my dad and sabi ko hindi ko na kaya. Sabi ko durog na durog na ako. Sabi ko, ‘Ayoko na rito.’ Sabi ko, ‘Lalayo na lang ako.’ Dumating ako sa point na gusto ko na lang papalitan ‘yung pangalan ko. Sabi ko, ‘Kahit anong pangalan na lang.’ Sabi ko, ‘I just don’t want my name anymore.’ Sabi niya (dad) ‘Hindi, hindi pwedeng ganoon. Kailangan mong harapin.’ Ganyan. Sabi ko, ‘Ayoko na nga.’ Sabi ko, ‘Gusto ko na lang, ano, sa malayong malayong lugar, ‘yung hindi na nila ako makikilala.’ Ano, nasasaktan siya kasi wala siyang magawa.’
“Siguro for two weeks po, hindi po talaga ako lumalabas. Hindi po ako makapasok [sa school] kasi natatakot po ako eh. Natakot po ako sa tao, natakot ako sa train, natakot ako sa mga guards. ‘Pag nakakakita ako ng naka-uniform na guard, napapraning ako. ‘Pag nakakakita ako ng tao, yumuyuko ako. Sabi ko doon sa yaya ko, ‘Manang, nakikilala kaya nila ako?’”
Photo credit to the owner
Kwento pa ni Salvosa, simula nang mangyari ang lahat ay hindi na siya nakakatulog ng maayos.
“So for two months hindi ako nakakatulog nang maayos… bumagsak ako ng mga hanggang 80 pounds. From 90 plus to 80 pounds.”
Nahirapan din siyang makahanap ng trabaho dahil sa insidente.
May mga kaibigan rin si Salvosa na sinisisi siya sa pangyayari at sinasabing deserve nito ang natatanggap na pambabash.
Sa kabila ng lahat, nagkaroong muli ng lakas ng loob si Salvosa dahil sa mga taong patuloy na sumuporta sa kanya at hindi siya iniwan.
Photo credit to the owner
Isa sa mga nagbigay ng suporta sa kanya ay ang relihiyon na Grace Testament Church. Aniya, gumawa pa raw ng Twitter account ang mga miyembro nito upang magbigay ng encouragement sa kanya.
“Pumunta po ako sa Grace Testament Church. And then when I came there, it was very warm, parang naramdaman ko ‘yung welcome ako talaga.”
“Parang everyone was welcome. It was a very different scenario kaysa sa social media na everyone was against me, everyone was bashing me, and everyone hated me. Doon ko naramdaman ‘yung love, naramdaman ko ‘yung sinasabi na divine love,” dagdag ni Salvosa.
Napatawad na rin daw niya ang kanyang sarili matapos ang insidente.
“Kung sasabihin nila sa akin na ‘kasalanan mo rin,’ tanggap ko naman po na may kasalanan naman talaga ako. Never ko naman pong dineny. And pinatawad ko na rin po ‘yung sarili ko. ‘Yun kasi ‘yung alam kong pinakaimportante, na tinuro sa akin ni Lord. Tinuro niya sa puso ko na you have to first forgive yourself para makapagpatawad ka ng ibang tao.”
Nagbigay rin siya ng mensahe sa lady guard at sa taong nag-upload ng viral video.
Paula Jamie Salvosa / Photo credit to the owner
“Salamat kasi if not for you, I wouldn’t have this kind of relationship with God. I wouldn't have a new life with Christ. I wouldn’t be able to have a new heart.”
“’Yung old Paula, tinulungan niyong mawala. Parang now, the Paula right now na nagsasalita sa harapan niyo, lives in Christ.”
***
Source: ABS-CBN