Anak ni Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Atasha, makalaglag panga ang taglay na kagandahan - The Daily Sentry


Anak ni Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Atasha, makalaglag panga ang taglay na kagandahan



Larawan mula sa Star Cinema

Kung pagwapuhan lamang ang pag-uusapan ay nasa listahan ng mga kababaihan si Aga Muhlach dahil noong kabataan pa nito ay siya halos ang pinapangarap ng mga nakasabayan niya noon sa industriya.


Maliban kasi sa kanyang taglay na kagwapuhan ay hindi maitatanggi na talento rin ito, kung kaya naman hindi nagtaka ang karamihan noong nagkatuluyan sina Aga at Miss Universe Philippines 1994 na si Charlene Gonzales na isa ring aktres.


Isa ang relasyon nina Aga at Charlene sa hinahangaan ngayon dahil sa kanilang pagkakaroon ng matagumpay na relasyon na bihira lang mangyari sa showbiz.

Larawan mula sa Star Cinema

Larawan mula sa Star Cinema

Talaga nga namang pinagpala ang kanilang relasyon dahil bukod sa hindi matatawarawang kanilang magandang lahi ay magda-dalawang dekada na rin silang kasal.


Naging popular na rin sa mga tao ang kanilang kambal na anak na sina Andres at Atasha na madalas makita sa mga TV commercial noong sila ay mga bata pa.


Ngayon ay naging agaw eksena sa mga tao si Atasha na 21-taong gulang na dahil sa taglay nitong kagandahan na hindi maikakaila na nagmana sa kanyang mga magulang.

Larawan mula sa latestchika

Larawan mula sa latestchika

Pag-ehersisyo at pagkain ng masusustansya ang isa sa mga naging libangan ni Atasha kung kaya kitang-kita ang ganda ng kanyang pangangatawan.


Marami tuloy ang nagtatanong kung may balak ba si Atasha na pasukin ang showbiz katulad ng kanyang mga magulang.


"I'm very grateful for the opportinities that come by and I'm just excited to see where life will take me. As of right now, I'm just taking things day by day," ayon kay Atasha.

Larawan mula sa latestchika

Larawan mula sa latestchika

Mukha namang hindi mahihirapan si Atasha na pasukin ang showbiz kung nanaisin lamang niya ito dahil hindi lang naman siya maganda kundi talentado rin ito.


Marami din ang nagsasabi na hindi lang sa pag-aartista nababagay si Atasha dahil ayon sa iba ay bagay na bagay rin ito maging beauty queen dahil sa kanyang kagandahan.


Sa ngayon ay mas inuuna muna ni Atasha ang kanyang pag-aaral dahil pangarap niyang makapagtapos ng kolehiyo sa United Kingdom.


Matatandaan na minsan nang pinahanga ni Atasha ang mga netizens matapos siyang maging cover girl ng isang fashion magazine na talaga naman kahanga-hanga ang kanyang kagandahang taglay.


Hindi nga maiwasan ng mga netizen na hindi mapansin ang pang-model at artistahin niyang ganda.

Larawan mula sa latestchika

Larawan mula sa latestchika

Ngayon ay kasalukuyang mag-isang naninirahan si Atasha sa United Kingdom dahil doon niya ipinagpapatuloy ang kanyang pag-aaral.


***