Buhay ng tinaguriang "Reyna ng Horror Movies" na si Lilia Cuntapay, ito pala ang sinapit ng aktres noon! - The Daily Sentry


Buhay ng tinaguriang "Reyna ng Horror Movies" na si Lilia Cuntapay, ito pala ang sinapit ng aktres noon!




Sino ba naman ang hindi nakakakilala at nasindak sa mga horror films na pinagbibidahan noon ng nag-iisang ‘Queen of Philippine Horror Movies' na si Lilia Cuntapay?


Lumabas siya sa mahigit 70 na pelikula at mga serye sa telebisyon bilang isang aswang, bruha, multo, at iba pang mga nakakatakot na nilalang. 


Ipinanganak noong September 16, 1935 sa Tuguegarao, Cagayan at nakapagtapos ng kanyang pag-aaral sa kursong Edukasyon. Bago pa man siya kinakatakutan at mag-umpisang makilala sa mundo ng showbiz, ay nagtuturo muna ito sa isang pampublikong paaralan sa parehong probinsya. 





Taong 1990 nang makita ng isang direktor na si Peque Gallaga si Lilia habang nanonood lamang daw ito ng shooting ng kanilang pelikula. Katawag-tawag pansin umano ang unique na itsura ng aktres na mukha daw talagang aswang. 


Hanggang doon na nagsimula ang pananakot ng aktres sa mga palabas at tuluyang kinalalang iconic sa mga horror films bilang reyna ng mga aswang. 




Una siyang sumikat sa pelikulang "Shake, Rattle and Roll" nung 1991 kasama ang Queen of all Media na si Kris Aquino. At sunod-sunod ng nagbukas ang mga oportunidad para sa kanya sa industriya ng pag-arte. 


Nang dahil sa kanyang ginampanang role naging maganda ang buhay ng aktres at naging takbuhan ng mga pangangailanagn ng pamilya. Hindi rin daw ito naging madamot sa mga taong umuutang at nanghihingi ng tulong dahil mas ikinatutuwa nito pag nakakatulong.




Ngunit matapos ang pamamayagpag ng kanyang karera, dumating sa puntong taong 2016 ng kompirmahin ng kanyang kanyang mga kaanak na tinamaan ito ng sakit sa kanyang spinal cord na naging dahilan na hindi na makatayo at makalakad pa. 


Matatandaan ding humingi ito ng tulong pangpagamot sa mga naging kasamahan nito dati sa trabaho, hanggang sa pinakahuling pagkakataon ay ginulat parin niya ang lahat sa balitang siya ay pumanaw na noong August 20, 2016 sa edad na 80-anyos.




Kabila ng pagiging mabuti ng aktres sa lahat ng mga nakapaligid sa kanya, nanawagan ang naiwang pamilya ng tulong upang mapasaayos ang puntod ng kanilang ina na napabayaan dahil sa kawalan ng pera. 


Bago pa man siya pumanaw nakatanggap pa siya sa kauna-unahang pagkakataon ng Best Actress Award para sa kanyang pagganap sa sariling indie mockumentary na Six Degrees of Separation From Lilia Cuntapay sa 2011 Cinema One Originals Digital Film Festival. 




Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Lilia ay ang My Bebe Love, Enteng ng Ina Mo at lumabas din siya sa top-rating and long-running action-drama series ni Coco Martin, ang FPJ’s Ang Probinsyano.


***

Source:   Tunay na Buhay

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!