Dating child star na si Isabelle De Leon o kilala sa pangalang 'Duday', ganito na pala ka-Hot ngayon - The Daily Sentry


Dating child star na si Isabelle De Leon o kilala sa pangalang 'Duday', ganito na pala ka-Hot ngayon



 

Larawan mula sa angelopedia

Natatandaan niyo pa ba ang isa sa pinaka magaling na child star noon na si Isabelle De Leon o nakilala sa kanyang screen name na "Duday" at naunang sumikat sa isang comedy film Sitcom ni Vic Sotto na 'Daddy Di Do Du' noong taong 2001?


Hindi maitatanggi na minahal at madaming napahanga na manunuod si Duday dahil sa magaling na pag-arte sa kanyang mga eksena.


Sa katunayan nga ay nanalo na din noon si Duday sa FAMAS Best Child Actress Award sa kanyang role sa palabas na 'Magnifico'.

Larawan mula sa angelopedia

Larawan mula sa angelopedia

Siya rin ang gumanap na Chrissy Altamira sa palabas na 'Nasaan Ka Elisa' noong 2011.


Sa paglipas ng panahon ay matagal na hindi nagpakita sa harap ng kamera si Duday at marami sa kanyang mga taga-hanga ang nagtatanong kung nasaan na nga ba siya at kung ano na ang nangyari sa kanyang buhay ngayon.


Sa pananaliksik ay napagalaman na mayroon na palang bagong karera na tinatahak ang dating child star na si Duday.

Larawan mula sa angelopedia

Larawan mula sa angelopedia

Mula sa pagiging bibo at nakapa-kulit na bata noon ay isa ng ganap na napaka-gandang dalaga ngayon si Duday.


Si Duday ay kilala rin ngayon sa larangan ng musika dahil bukod sa pag-arte, isa na rin siyang singer at songwriter ngayon.


Nakakamangha dahil mapapansin sa kanyang mga litrato ang napaka-laking ipinagbago lalong-lalo na sa kanyang napakagandang looks ngayon.


Ang dating cute na cute na si Duday noon ay 27 taong gulang na ngayon.

Larawan mula sa angelopedia

Larawan mula sa angelopedia

Nakakamangha dahil hindi lang basta aktres at singer itong si Duday kundi lumaki pa siyang isang beauty Queen.


Sino nga naman ang mag-aakala na ang dating napaka-cute at makulit na bata noon sa showbiz industry ay isa na ngayong darling of the crowd at nagwagi bilang isang multinational sa naganap na Miss World Philippines.


Talaga nga namang hindi lang galing sa pag-arte at pagkanta ang ipinamalas ni Duday dahil pinatunayan din nito na kahit na anong karera ang kanyang tahakin ay kanya pa rin ipapakita ang kanyang talento, talino at galing na nasa kanyang pagkatao.


***