Dating co-host ni Willie Revillame na si Shalani Soledad, ito na pala ang kanyang buhay ngayon - The Daily Sentry


Dating co-host ni Willie Revillame na si Shalani Soledad, ito na pala ang kanyang buhay ngayon



Larawan mula sa stariraymagazine

Si Shalani Carla San Ramon Soledad-Romulo o nakilala sa pangalang Shalani Soledad ay ipinanganak noong April 27, 1980. Siya ay isang TV personality at politician.


Unang nakilala ng publiko si Shalani bilang dating kasintahan ng yumaong Presidente ng Pilipinas na si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III o Noynoy Aquino.


Taong 2005 noong sila ay unang magkakilala kung saan ay kasalukuyan namang isang news reporter noon si Shalani habang si Noynoy naman ay isa noong kongresista sa ikatlong distrikto sa lalawigan ng Tarlac.

Larawan mula sa alchetron

Larawan mula sa alchetron

Hindi naman pinalad na magkatuluyan si Shalani ay Noynoy dahil dalawang taon lamang ang itinagal ng kanilang relasyon sa kadahilanan umanong parehas busy ang dalawa at nawalan sila ng oras sa isat-isa.


Bago pa man maluklok sa pagkapangulo ng Pilipinas si Noynoy ay naghiwalay na ang dalawa at dito naman nagkaroon ng oportunidad si Shalani na maging co-host ni Willie Revillame sa programang 'Wiling Willie' noong taong 2010.


Dito ay naging maganda at naging patok sa mga manunuod ang samahan ni Willie at Shalani kung kaya naman madami ang kinikilig sa kanilang bonding tuwing napapanuod sila sa telebisyon.

Larawan mula sa alchetron

Larawan mula sa alchetron

Ang iba ay hindi rin maiwasan na hilingin na sana ay magkatuluyan si Shalani at Willie dahil bagay na bagay umano ang dalawa at parehas sila na walang karelasyon noong mga panahon na iyon.


Samantala, dahil nga nakilala ng mga tao si Shalani sa pagiging mahinhin nito lalong-lalo na kapag ito ay nagsasalita ay kaliwat-kanan naman ang kanyang natatanggap na paghusga sa kanyang hosting skills. 


Ayon sa ibang manunuod ay hindi umano bagay si Shalani sa pagiging co-host ni Willie dahil sa malumanay at walang kabuhay-buhay nitong pananalita habang nagho-host ito sa programa.

Larawan mula sa alchetron

Larawan mula sa alchetron

Kinakailangan pa umanong paangatin ni Willie ang energy ni Shalani upang mas madaming matuwa na mga manunuod sa kanyang pagho-host.


Dahil sa mga natatanggap na ito ni Shalani muna sa ibang manunuod ay kaagad naman siyang ipinagtanggol ng kanyang kaibigan.


Ayon sa kaibigan ni Shalani ay simula bata pa lamang ito ay talagang mahinhin na siya, ngunit ang katangian na ito ni Shalani ang talaga namang nagpaangat at minahal sa kanya ng mga manunuod.


Gayunpaman ay marami naman ang napapangiti at kinikilig sa tambalan nila ni Willie, bagama't sweet at bagay na bagay ang dalawa ay hindi naman sila nagkatuluyan kahit pa nakikita sila minsan na magkasama.

Larawan mula sa alchetron

Larawan mula sa alchetron

Ilang taon ang lumipas ay inaakala ng mga tao na mayroong namamagitan sa kanilang dalawa ni Willie ngunit mayroon na palang ibang dini-date itong si Shalani.


Taong 2012 ay ikinisal si Shalani kay Pasig Representative Roman Romulo, dahilan din ng pagkawala nito sa programang 'Wil Time Bigtime' ni Willie Revillame.


Mayroon namang tagpo sa programa noon ni Willie kung saan sinabihan niya si Shalani tungkol sa kanyang nalalapit na kasal.


"Tandaan mo, no'ng nagdurugo ang puso mo, suno ang sumalo sa'yo? Sino ang tumahi sa sugat sa puso mo? Sino ang nag-gamot niyan? Sino? Ako...di ba? Alam mo kung bakit? Iyan ang trabaho ko...gumagamot ng sugat ng puso.

Larawan mula sa alchetron

Larawan mula sa alchetron

"Ayokong matanggal ang tahi na yan sa puso mo at gusto kong maghilom na iyan panghabambuhat." Ayoon kay Willie.


Samantala, sa ngayon ay hindi pa rin nabibiyayaan ng anak ang mag-asawa. Matagal na umano nilang sinusubukang magkaanak.


Aminado naman si Shalani na mayroon na itong edad dahil 41 years old na siya ngayon at hindi naman na madali para sa kanya para mabuntis at magkaroon ng anak.


***