Kakaibang haircut, viral at nagbigay aliw sa social media. Pero ibang netizens na hindi natuwa, pumalag! - The Daily Sentry


Kakaibang haircut, viral at nagbigay aliw sa social media. Pero ibang netizens na hindi natuwa, pumalag!



Sa dami ng nauusong istilo ng buhok ngayon ay merong natatanging pumukaw ng ating atensyon. Umiikot kasi ngayon sa sirkulasyon ng social media ang kakaibang gupit na tinawag ng ilang netizens na literal na devil cut.

Laugh trip ang naging hatid nito dahil sa nakakatuwang hitsura at kitang game na game naman sa pangmalakasang hairstyle ang modelo ng barberong si Sherwin.




Matatagpuan sa Facebook account ng manggugupit na ito ang ilan sa kanyang mga customer habang ito'y kanyang ginugupitan.

Makikitang mapa-bata, matanda at mga binata ay tumatangkilik sa kanyang barberya upang bigyan ng malupit na ukit o istilo ang kanilang mga buhok.

Pero ang isang ito ang pinaka pinagkaguluhan at pinagusapan dahil sa kakatuwa at kakaibang hitsura ng hairstyle na ito.

Sherwin Barber | Facebook

Sherwin Barber | Facebook


Literal na devil cut daw ito, ayon sa caption ni Sherwin. Sadyang komedya naman ang hatid nito dahil natural sa ating mga pinoy ang pagkahilig sa mga katatawanan. Ngunit kung iyong pagmamasdan ay parang may hindi tama sa ibinahagi ng barbero.

Napansin kasi ng mga netizens na tila may problema o wala sa tamang pag-iisip ang modelo ng kontrobersyal na 'devil cut'. Marami ang hindi natuwa ng mapuna ito kaya agad pumalag ang mga miron.

Sherwin Barber | Facebook

Sherwin Barber | Facebook


Palagay ng iba ay hindi ito makapagreklamo at tatawa-tawa na lang dahil nakikita niyang tumatawa rin ang mga tao sa paligid niya.

Dahil sa dami ng umalma, sunod namang ginawa ni Sherwin sa modelo ay ang 'angel cut'. Pero imbis na matuwa na ay lalo pang nagngitngit sa galit ang mga netizens.

Ginagamit daw nito ang taong may kapansanan para lang mapansin at sumikat.

Sherwin Barber | Facebook

Sherwin Barber | Facebook


Pag-amin naman ng barberong si Sherwin ay kakalbuhin naman talaga niya ang modelo at sumubok lang ng iba't ibang hairstyle bago tuluyang limasin ang buhok nito.

Sa katunayan nag-post pa ito ng video kasama ang PWD umanog modelo at nagbibiruan habang umiinom ng softdrinks.

Ayon sa kanya, tatlong milyong views na ang video ng kanilang devils cut habang binibiro pa nito ang kanyang modelo, "artista na po ito, pa-autograph naman."

Sherwin Barber | Facebook


Marami man ang nagalit ay may nakuhang magandang payo naman sa isang netizen ang barberong si Sherwin,

"tol, di hamak na may talent ka naman sa pag gupit, pero sana sa tamang paraan at video mo gawin, kaysa sa isang PWD yata yan? Parang hindi ito okay panoorin! Respeto sa kapwa at hindi kasikatan ang pianaka importante sa lahat. keep safe!"