From Gabby to Kiko! Kilalanin pa, Mga lalaki sa buhay ni Megastar Sharon Cuneta! - The Daily Sentry


From Gabby to Kiko! Kilalanin pa, Mga lalaki sa buhay ni Megastar Sharon Cuneta!



Photo credit to PEP

Hindi mapagkakaila na isa si Megastar, Sharon Cuneta sa mga babaeng artistang nagkaroon ng makulay na 'lovelife'.

Mula sa kanyang pagkakaroon ng puppy love, ating balikan ang mga lalaking kanyang minahal noon at naging bahagi ng kanyang buhay pag-ibig at kung sino diumano sa kanila ang muntikan niya na ring pakasalan. 

1. ALBERT MARTINEZ

Photo credit to PEP

Bago pa man niya makilala ang unang asawa na si Gabby Concepcion ay nauna na diumanong mabihag ang kanyang puso ng aktor na si Albert Martinez.

Ngunit pagbabahagi ng aktres, maituturing niyang 'puppy love' lamang ang namagitan sa kanila ni Martinez, bilang 14 years old lamang siya noon. Mas madalas raw ay magkausap lamang sila sa telepono dahil pareho silang busy sa kani-kanilang acting career noon.

Naaalala niya raw ang aktor sa pagiging 'gentleman' nito sa kanya.



2. GABBY CONCEPCION

Photo credit to PEP

Nagsimula ang kanilang buhay pag-ibig nang maging mag-kaloveteam noong dekada 80's. Mula pagiging loveteam ay naging totoo ang kanilang pagtitinginan hanggang sa sikreto diumanong magpakasal sa pamamagitan ng civil ceremony noong July 23, 1984.

Sumunod ay ang kanilang church wedding sa Manila Cathedral noong September 23,1984 at biniyayaan ng napakagandang anak na si KC Concepcion.

Ngunit sa kasamaang palad, ang kanilang pagsasama ay tumagal lamang ng tatlong taon at naging opisyal ang kanilang paghihiwalay sa korte at simbahan noong 1994.

3. ROWELL SANTIAGO

Photo credit to PEP

Inamin ni Sharon na hindi nagtagal ang kanilang relasyon ni Rowell dahil noong mga panahon na iyon ay mahal pa niya ang asawang si Gabby.

Hindi raw natuloy ang kanilang 'love story' dahil nakipagbalikan sa kanya si Gabby at hindi man niya sinasadya ay kinailangan niyang magpaalam at masaktan si Rowell dahil si Gabby ang kanyang pinili muli.

Subalit sa kabila ng lahat ay nanatili naman raw silang magkaibigan hanggang sa panahong ito. Si Rowell rin raw ang maituturing niyang 'TOTGA', 'The One That Got Away'.


4. RICHARD GOMEZ

Photo credit to PEP

Itinuturing ni Sharon si Richard na isa sa kanyang dalawang "great loves."

Aminado siya na ang kanilang relasyon noon ni Richard ay on and off at isa diumano ang huli sa pinakamasakit na breakups na kanyang naranasan. Si Goma rin ang iniyakan niya ng todo ng sila ay maghiwalay.

Noong magkasintahan ay hindi raw sila nagkaroon ng pagkakataong gumawa ng pelikula na magkasama ni Richard, tulad ni Rowell at Gabby. 

Naging magkatambal lamang sila mga ilang taon matapos ang kanilang naudlot na pagmamahalan at ngayon ay nanatiling magkaibigan.

5. ROBIN PADILLA

Photo credit to PEP

Ayon kay Sharon, isa ang Bad Boy of Philippine Cinema na si Robin sa mga favorite leading man niya. Naging magkapareha sila sa 1991 blockbuster film na 'Maging Sino Ka Man'.

Maingay ang balita noon na matagal ng may gusto si Robin sa megastar, dahilan para ipa-tattoo niya ang pangalan nito sa kanyang dibdib.

Saksi rin ang publiko noon sa kanilang pagmamahalan dahil may mga insidente raw na bigla na lang isinisigaw ni Robin ang pagmamahal nito sa aktres.

Ibinunyag rin ni Sharon na muntik niya nang pakasalan ang action star kung hindi lamang nakabuntis ang huli.

Hindi man niya binanggit ang pangalan ng babae, hindi naman lingid sa kaalaman na, noong panahong iyon, nabuntis ni Robin si Liezel Sicangco, ang naging unang asawa ng aktor.

Aprubado na raw sana ng kanyang mga magulang si Robin at handa na sana itong iwelcome sa kanilang pamilya noon ngunit sadyang hindi raw sila itinadhana at kinailangang tapusin ang kanilang relasyon noon.

6. CHARLIE COJUANGCO

Photo credit to PEP

Hindi na idinetalye ni Sharon ang nasira niyang engagement noon kay Charlie Cojuangco, anak ng billionaire na si Eduardo “Danding” Cojuangco.

Hindi na rin siya nagbigay ng anumang romantikong detalye tungkol dito.

Bagama't inamin niya na pagkatapos ni Charlie, bumalik si Richard sa kanyang buhay ngunit hindi na niya sinabi pa kung gaano katagal ang kanilang muling pag-iibigan.

Nitong Pebrero ngayong taon napabalitang pumanaw na si Charlie at nagpaabot naman ng kanyang pakikiramay ang megastar sa naiwang pamilya nito.

7. KIKO PANGILINAN

Photo credit to PEP

Nagkakilala sina Sharon at Kiko sa kasal ng kanyang kapatid noong 1994. Makalipas ang dalawang taong ligawan, nagpakasal siya kay Kiko noong 1996 at sa kasalukuyan ay may tatlo ng anak na sina Frankie, Miel, and Miguel.


Sinabi ni Sharon na si Kiko ang kanyang 'Forever Man'.

Nang tanungin kung ano ang sikreto ng kanilang 'happy marriage', sagot ng megastar at ng dating senador na ang pagkakaroon nila simpleng pamumuhay ang nakapagpatibay sa kanilang 
pagsasama na sinubok na ng panahon.

Source: Pep.Ph