Kilalanin ang mga babaeng naging bahagi ng buhay ni Vic Sotto, mula noon hanggang ngayon - The Daily Sentry


Kilalanin ang mga babaeng naging bahagi ng buhay ni Vic Sotto, mula noon hanggang ngayon







Hindi maipag-kakaila na isa si Bossing Vic Sotto sa mga naging haligi, hindi lang ng Dabarkads ng Eat Bulaga kundi ng industriya ng Showbiz. 

 
Taong 1977 nang mag simula si Bossing sa pag-aartista at simula naman noon ay hindi nawala ang kanyang kasikatan. At sa kanyang naging tagumpay ay may mga babaeng naging parte nito at nakatulong sa kanyang karera.


 
Ilang mga news site ang nagsulat ng mga artikulo tungkol sa mga babaeng naging parte ng buhay ni Bossing Vic sa ilang dekada niya sa showbiz. Narito ang listahan mula sa KAMI.

 
Pauleen "Poleng" Luna at Baby Talitah "Tali" Luna Sotto 
 
At tulad ng alam ng lahat, si Dabarkads Pauleen ang nagwagi sa puso ni Vic at ngayon ay may isa na silang anak na napaka bibo at cute na cute na si Tali.


Pauleen, Baby Tali, at Vic Sotto | Larawan mula sa Philstar


 
Paulina Sotto
 
Si Paulina ang naging anak ni Bossing sa dating model ng San Miguel Beer’s ‘Bilmoko’ ad na si Angela Luz noong dekada otsenta.*


Vic Sotto at ang anak na si Paulina | Larawan mula sa Philstar


 
Danica Sotto-Pingris
 
Si Danica naman ang panganay na anak ni Vic sa kapwa artista na si Dina Bonnevie. 

Vic at anak na si Danica | Larawan mula sa PEP


 
Dina Bonnevie
 
Ang unang babaeng pinakasalan at naging asawa ni Bossing Vic ay si Dina at ina ng magkapatid na Danica at Oyo Boy Sotto. Unang nagkita daw ang dalawa sa pelikulang “Age Doesn’t Matter” kung saan kasama din nila si Tito Sotto, Joey de Leon, Maricel Soriano, at Snooky Serna.*



 
Coney Reyes
 
Si Coney ay dati ring host ng Eat Bulaga nang humalili siya kay Chiqui Hollman noong 1982. Nagkaroon ng anak si Bossing at Coney at ito ay Vico Sotto na Mayor na ngayon ng Pasig.

Coney Reyes at anak na si Vico Sotto | Larawan mula sa Manila Bulletin


 
Alice Dixson
 
Ang orihinal na Faye ay si Alice Dixson na misis ni Enteng Kabisote sa sikat na sitcom noon na "Okay ka, Fairy ko!" 
 
Alice Dixson | Larawan mula sa Google



Tweetie De Leon
 
Si Tweetie ay isang kilalang modelo na pumalit naman kay Alice bilang Faye sa "Okay ka, Fairy ko!" *

Tweetie De Leon | Larawan mula sa Twitter



Angela Luz
 
Ang commercial model na nakilala sa ‘Bolmoko’ ad ng San Miguel Beer. Si Angela umano ang naging karelasyon ni Bossing Vic matapos nilang maghiwalay ni Coney Reyes.

Vic Sotto kasama ang Ina ni Paulina na si Angela Luz | Larawan mula sa Google


 
 
Christine Jacob
 
Nang matapos ang relasyon ni Bossing kay Angela ay may chismis daw noon na naging sila ni Christine Jacob na host din sa Eat Bulaga.

Christine Jacob | Larawan mula sa PEP


 
Pia Guanio-Magno
 
Inamin ni Pia at Bossing na sila noong 2005. Si Pia ay isa din sa host ng Eat Bulaga. Tumagal umano ng limang taon ang relasyon ng dalawa.*

Vic at Pia Guanio | Larawan mula sa Google


 
Kristine Florendo
 
Bagamat naging magkarelasyon si Bossing at Kristine Florendo, ngunit tila hindi ito naging matunog noon. Si Kristine ay nakoronahan bilang Miss World noong 1997.

Kristine Florendo | Larawan mula sa Google


 
Kris Aquino
 
Na-link din kay Vic si Kris noon ngunit walang umamin sa parehong panig kung totoo o hindi ang chismis tungkol sa kanila. 

Vic Sotto at Kris Aquino | Larawan mula sa PEP


 
Kristine Hermosa-Sotto

 
Bago naging asawa ni Oyo si Kristine ay naging leading lady muna ito ni Bossing nang gumanap ito bilang si Fay, sa pelikulang Enteng Kabisote.  

Kristine Hermosa at BossingVic sa Enteng Kabisote | Larawan mula sa PEP


 
 
Ilan lamang sila sa mga babaeng naging parte ng buhay ng nag-iisang Vic Sotto, hindi pa kasama ang ibang naging leading lady niya at nakasama sa ilang mga pelikula.